Tuesday, January 3, 2012

Showbiz News: Dingdong Dantes, Ipinagtanggol Ang Sarili Laban sa Mga Kritiko!


Dingdong Dantes won the Best Actor Award for Segunda Mano in MMFF 2011. But despite of his success, there are dubious critics who maligned his achievement. Na kesyo hindi raw deserving na manalo bilang Best Actor ang Kapuso Actor.

Eto ang masasabi ni Dingdong sa mga kritiko niya:


"Dati sinasabi ko na bonus na lang talaga ang magkaroon ng recognition, magkaroon ng award. Minsan nga iniisip ko hindi ko talaga siya hinahangad. Pero nung moment na nakuha ko siya at nasabi nga na ako e, kakaiba pala yung feeling. Minsan masasabi mo talaga na kailangan talaga na... kailangan siya ng isang aktor para at least ma-verify mo sa sarili mo na meron kang tamang ginagawa. Wala akong expectations kaya mas naging sweet yung victory, dahil wala akong expectations," ayon sa pahayag ni Dingdong sa taped interview sa kanya ngStartalk TX kahapon, December 31.

Unfortunately, hindi nakadalo sa Gabi ng Parangal si Dingdong; nasa Boracay ang aktor kasama ang pamilya nito at ang kanyang girlfriend na si Marian Rivera nang matanggap ang magandang balita.

Magkasama sila nang nakarating sa aktor ang balitang siya nga ang MMFF Best Actor.

"Tuwang-tuwa rin siya, siyempre! Muntik kasi akong malaglag sa upuan ko, actually napa-ganun ako e, tapos medyo nahawakan ko siyang ganun. So tuwang-tuwa rin siya, sobra!"

Ayon naman kay Marian...

"Nakaka-proud, kasi bago pa man mangyari yung mga yan ay marami na ang nag-text sa akin na magaling nga raw si Dong sa Segunda Mano. Kaya nakakataba ng puso dahil na-appreciate nila si Dong sa pag-arte niya."

Maliban sa co-star niyang si Kris Aquino, bilib na bilib din sa Kapuso hunk ang direktor ng kanilang pelikula na si Joyce Bernal.

"Hindi ko sinasabi kay Dingdong habang ginagawa namin yung pelikula na magaling siya. Never kong sinabi sa kanya and I guess dahil dito, masasabi ko na sa kanya talaga na 'Dong, you gave your best at nagpapasalamat ako na ginawa mo iyon sa pelikula natin. Nagpapapasalamat ako sa kanya at hindi ko naman magagawa ito definitely kung hindi dahil sa kanyang mainam na direksyon," pahayag naman ng aktor.

Ayon naman kay Kris...

"He has gotten older at lalo siyang nagkaroon ng maturity and depth sa acting, as in ang galing niya!"

No comments:

Post a Comment