Thursday, December 29, 2011

Showbiz News: Heart Evangelista, Nali-link kay DJ Mo Twister!


Sa kainitan ng kontrobersiyang kasalukuyang kinasasangkutan ng dating magkasintahan na sina Rhian Ramos at Mo Twister, bigla na lang ikinabit ang pangalan ni Heart sa dating Paparazzi host at radio DJ.

Ano ba ito, scheme sa kampo ni Rhian para ma divert ang issue?

Ano naman ang masasabi ni Heart sa isyung ito?

"I don't understand! It's stupid!" mabilis na reaksyon ni Heart at hindi raw niya alam kung saan nanggaling ang isyu.


Nagtataka nga rin daw siya dahil nananahimik na raw siya ngayon matapos ng naging intriga sa kanila noon ni Marian Rivera.

"Naku, huwag na nga silang mag-ano! "Tama na, nananahimik na ako!" 

Inamin naman ni Heart na magkaibigan sila ni Mo.

"He's a friend, oo. And he's also friends with Donita Rose and many other people. Bakit ako?" May mga nagsasabing nag-ugat daw ang intriga sa "sweet" na pag-uusap nila ni Mo sa Twitter.

"What?" gulat munang reaksyon ni Heart. "No! Those are friendly tweets!"

Hindi nga naman masasabing "sweet" ang mga palitan nila ni Mo, sapagkat di naman katulad nito ang palitan ng malalambing na salita sa pagitan ng magkasintahan o sa nagliligawan.

Noon kasing nagpahayag ng kagustuhang mag-hibernate muna sa New York ni Mo, isa si Heart sa mga nagsabing hindi siya payag sa desisyong ito ng DJ-TV host.

Apat na beses pa ngang nag-tweet si Heart noong November 25 tungkol sa hindi niya pagsang-ayon sa desisyon ni Mo na umalis na ng Pilipinas.

No comments:

Post a Comment