Thursday, December 1, 2011

Showbiz News: Gabby, Galit kay Piolo Dahil sa Ginawa kay KC!


Nakunan ng pahayag ng Balitanghali ng GMA News TV si Gabby Concepcion tungkol sa breakup ng anak niyang si KC Concepcion sa aktor na si Piolo Pascual.

Ipinalabas ang report kaninang tanghali, November 30.

Kahit daw busy sa promotion ng Metro Manila Film Festival 2011 entry na Yesterday Today Tomorrow, hindi raw maiwasan ni Gabby na mag-alala para sa anak.

Nuunawaan daw niya ang mga pinagdadaanan ni KC.

Ayon kay Gabby, "Andaming challenges kasi sa buhay, e, di ba?

"Pero yung mga dinadaanan niyang challenge, palagay ko, hindi na niya...

"Ewan ko, ewan ko kung mananalo pa siya dun sa challenge na yun.

"Mahirap kalabanin yung ganong klaseng challenge."

May payo namang ibinigay si Gabby para sa anak:

"Let's move on, let's move forward and forget about the past.

"We only learned the hurt that happened to us now, just put it [behind] us."

Pero bilang ama, nagagalit daw si Gabby dahil sa ginawang pananakit ni Piolo kay KC. Pero alam nitong makakayanan din ng anak ang challenge sa buhay nito sa ngayon at malalampasan ang lahat ng sakit na dulot ng pagkasawi nito sa pag-ibig.

No comments:

Post a Comment