Monday, November 28, 2011

Showbiz News: A Closer Look at Why KC and Piolo Broke Up!


Pagkatapos ng ilang linggong espekulasyon tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, inamin na ngayon ni KC Concepcion na hiwalay na sila ni Piolo Pascual.

Ginawa ni KC ang pag-amin sa one-on-one interview sa kanya ni Boy Abunda sa kanilang showbiz-oriented talk show na The Buzz sa ABS-CBN.

Napanood ang taped interview ni KC ilang minuto lang ang nakakaraan ngayong hapon, Nobyembre 27.

Sa naturang panayam ay isiniwalat ni KC ang tunay na saloobin kaugnay ng paghihiwalay na itinago nila ni Piolo sa publiko noong una.

Bagamat malayang naipahayag ni KC ang kanyang nararamdaman sa kinahinatnan ng kanilang relasyon, hindi eksaktong sinabi ng actress-TV host ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay ni Piolo.

Eto ang mga linyang binitawan ni KC sa kanyang interview.

"Marami pong naklaro sa akin."

"Parang masyado akong nagbigay ng benefit of the doubt sa lahat.

"May mga hinahanap ako na basic lang na hahanapin ng isang babae sa isang boyfriend, sa isang lalaki.

"Tito Boy, naniniwala naman ako na pag sinasabi ni PJ na minahal niya ako, naniniwala naman ako na meron namang katotohanan iyon.

"Pero, masakit man sabihin, hindi ako yung, siguro nag-fail din ako dahil hindi ako yung kailangan niya sa buhay niya.

"Or, hindi ako yung hinahanap niya sa buhay niya.

"And hindi...hindi ko mabigay sa kanya yung kailangan niya."

Kahit hindi diretsahang inamin ni KC kung ano ang reason ng hiwalayan nila ni Piolo, klaro naman sa mga sagot niya.

So totoo ang tsismax na BEKI si FAFA P?

Well, di ba kung walang apoy, walang usok.

Ngayon, ang tanong ng bayan, ano ang natuklasan ni KC kaya kahit pinipilit niyang tanggapin ay hindi niya magawa? Na kahit pinipilit niyang magwork out ang relasyon nila ay hindi na talaga puwede?

Sino ang nahuli ni KC na kasama ni Piolo sa condo nito?

Si Sam Milby? (Kaagad na nag-alsa balutan at maghohollywood na daw at close friend din ni KC)

O si Mark Bautista? (Na matagal ng kalampungan ni Piolo)

Ano sa tingin nyo Madlang People?

3 comments:

  1. Totoo naman kasi na nahuli nga sila ni Lolit Solis noon pa eh, silang dalawa ni Sam Milby. Eto naman kasing si Pioling, nung high school days nya nung nasa sta ana Pa sya, Pioling ang tawag sa kanya at talagang lalmbot lambot syang kumilos noon. Mga babae ang barkada nya palagi. Payatot sya dati...malantik ang daliri. Pero si sam, di xa bakla as in John Lapus type hehe..

    ReplyDelete
  2. according to the condo staff on duty that time.it was around 2:45 a.m when a guy came over at piolos unit then slept over then maybe it was the most big deal issue regarding their break up

    ReplyDelete
  3. Meganun talaga!!!haha...Kung nagtatago lang si Pioling este si Piolo sa isang maskara, well dapat na ipakita niya kung ano siya at sino nga ba siya...Katulad ni Rustom P. matapos niyang aminin sa Publiko Kung ano nga ba ang kasarian niya eh malaya na itong nakakalipad..Sana ganun din sayo Mr. P., Kung meron ka nga talagang aaminin.Pero kung wala naman Dapat lang tantanan ka na ng mga Tsismoso't tsismosa diyan sa tabi-tabi, namumuhay lang ng normal yung tao eh, sinisiraan niyo...buh-bye!!!
    ----------------------------------------------
    Go Go Go Mr./Ms. Piolo Jose Pascual

    ReplyDelete