Tuesday, November 29, 2011

Showbiz News: Piolo Pascual is Asking for Everybody's Understanding!


Dahil sa mga pahayag ni KC, marami ang nag-aabang ng reaksiyon naman ni Piolo. Sinubukan ng TV Patrol na hingan ng pahayag ang aktor nang salubungin siya ng kanilang crew sa airport.

Kadarating lamang ni Piolo kanina, Nobyembre 28, mula sa isang concert sa Japan kasama ang ilang kapwa Star Magic talents at siyempre si "M" ahem!

Sa maiksing panayam, ito ang sinabi ni Piolo kaugnay ng mga pahayag ni KC:

"I don't think I have anything else to say... You know, KC has said her piece so hayaan na lang natin"

"Hindi naman biro yung pinagdaanan naming dalawa.

"So hihingin ko lang siguro, pag-iintindi sa mga tao.

"Hindi madali yung proseso.

"Hindi rin madali yung maraming nakaabang, maraming naghihintay, at maraming nakikialam.

"So, ang akin lang, hayaan na lang muna kami, especially Kristina, na it's not easy."

"I apologize to the public for the break up and both of us are undergoing personal crisis," dagdag pa ni Piolo.

Ayon kay Piolo, pababayaan na lang niyang panahon ang maghilom ng sugat na dulot ng kanilang paghihiwalay.

2 comments:

  1. less talk less mistake. but if piolo wants closure he should have the balls to tell the truth. ha ha ha

    ReplyDelete
  2. umamin kana kc,the truth will set u free,deny ka ng deny sa katagalan lalabas din ang totoo,u cant hide forever...remember!!!!sa dami ng mga matang tumitingin sayo sa paligid mo...wala kanang lusot...

    ReplyDelete