Showing posts with label Let Me Love You. Show all posts
Showing posts with label Let Me Love You. Show all posts

Thursday, May 12, 2011

Tagalog Novel: Let Me Love You By ShaRON rOSE



Malakas ang tawa habang nagsasayaw sa dance floor.  Wala siyang pakialam kung ang kamay ng partner niya ay humahaplos sa likod niya.  She wanted to have fun, and she was having fun. 

Tuesday, February 1, 2011

Tagalog Novel: Let Me Love You By Sharon Rose


Continuation.........

Abala  sa pagmamaneho ng sasakyan si Troy ng tumunog ang kanyang cellphone. Rein was at his side. His thoughts were occupied. He was planning his first date with this sweet lady and he was so excited.

Saturday, January 8, 2011

Tagalog Novel: Let Me Love You by Sharon Rose


 Continuation.......
Wala na siyang ibang mapagpipilian pa kundi ang umalis sa bahay nila. Hindi na niya kayang tumagal pa sa loob ng pamamahay nila. Kailangan niyang iligtas ang kanyang kinabukasan, ang kanyang kaligayahan.
Sa wakas ay magiging independent na rin siya. Hindi na niya matatagalan pa ang pagmamanipula ng kanyang ama sa buhay niya and her arrange marriage was the last straw she can take. Sagrado sa kanya ang salitang kasal. It was her only priviledge. Hinding-hindi siya magpapakasal sa isang lalaking hindi niya kilala, over her dead body!

Thursday, December 9, 2010

Tagalog Novel: Let Me Love You by Sharon Rose


Continuation.....
CHAPTER 2

“Hi Pa.” Humalik siya sa pisngi ng ama. Seryoso ang mukha nito pero binalewala niya iyon. Alas nuwebe ng gabi na siya nakarating sa kanilang tahanan. At alam niyang kanina pa siya tinatawagan ng ama ngunit ini-off niya ang cellphone buong araw.

Wednesday, December 1, 2010

Tagalog Novel: Let Me Love You by Sharon Rose


Continuation


Hinintay muna ni Troy na mawala sa paningin niya ang babae bago nilisan ang lugar na iyon. Isang matamis na ngiti ang nakapagkit sa mga labi niya. Muling binasa sa screen ng cellphone ang tinype na number ng dalaga. 

Thursday, November 25, 2010

Tagalog Novel: Let Me Love You By Sharon Rose




CHAPTER 1

The sound of the alarm clock meddled in her sleep like a roaring tiger. Rein took the pillow and covered her ears. She was still sleepy. Muli niyang ipinikit ang mga mata ngunit ng maalalang mahalaga ang gagawin niya ngayong araw, kaagad na napatayo siya sa kanyang queen-sized canopied bed.
            Today was her first day of training at Excel Asia, a training center that educates and prepares upcoming call center agents to be fully equipped and qualified for the job. She setup her alarm clock to beep at four o’clock in the morning. Hindi siya sanay na gumising ng maaga but she had to.  She needed to pursue her plan. She needed a job so that she can live independently from her parents.

Tuesday, November 23, 2010

Tagalog Novel: Let Me Love You By Sharon Rose

PROLOGUE

Nang maiayos sa loob ng sasakyan si Rein ay maingat na isinara ni Troy ang pintuan at sumakay sa driver’s seat. Matamang tinitigan niya ang babaeng nakapikit at tahimik na that he was not sure if she drifted to sleep.
            Such a pretty face… natagpuan na lamang ng binata ang sarili na hinahaplos ang malalambot na pisngi ni Rein. Magmula ng una niyang makita ang dalaga ay hindi na ito naalis sa isipan niya. He had spent hours just thinking of her. Maingat na inilayo niya ang kamay ng kumilos si Rein, afraid that she will notice him.
            He saw her uncomfortably moved, her head twisting from side to side. Kaagad na ini-on niya ang aircon ng mapansing hindi kumportable ang dalaga.