Thursday, December 9, 2010

Tagalog Novel: Let Me Love You by Sharon Rose


Continuation.....
CHAPTER 2

“Hi Pa.” Humalik siya sa pisngi ng ama. Seryoso ang mukha nito pero binalewala niya iyon. Alas nuwebe ng gabi na siya nakarating sa kanilang tahanan. At alam niyang kanina pa siya tinatawagan ng ama ngunit ini-off niya ang cellphone buong araw.

            “Where have you been?”
            “Naglibot lang po sa Makati.” Simpleng sagot niya. Hindi pa ito ang tamang panahon upang magsabi siya sa mga magulang na gusto na niyang magtrabaho at magbukod ng tirahan.  She was already twenty-five ngunit pakiramdam niya ay para pa rin siyang teenager na nakadepende sa mga magulang. Wala siyang sariling source of income hanggang ngayon. Galing sa mga ito ang lahat ng perang ginagastos niya. Sa malaon at sa madali, hindi na niya gagamitin ang credit cards at atm na ibinigay ng mga magulang para sa kanya.
            Hindi na siya natutuwa sa tinatakbo ng buhay niya. She felt so empty and useless. Kung dati, masaya siya habang nilulustay ang pera ng mga magulang, ngayon, she felt like a useless rich kid. Ngayon niya napagtantong wala siyang kuwenta kung hindi siya naging anak ng mga magulang niya.
            She was born with a silver spoon in her mouth. She even had her own yaya until she reached eighteen. Her parents were busy managing their big clothing line business kaya palagi siyang naiiwan sa bahay kasama ang yaya at mga katulong. But when she turned twenty, nakahanap ng mapagkakatiwalaang tao ang parents niya na mamahala sa kanilang negosyo. Her family had a big clothing line enterprise business. Mahigit dalawampu ang bilang ng kanilang boutique na nagkalat sa iba't-ibang bahagi ng Pilipinas. Their business was almost a household name.
            Then her parents became fulltime parents to her. Noong una ay masayang-masaya siya. Sa wakas, makakasama na rin niya palagi ang mga magulang. They can spend quality time together. Binawi ng mga ito ang pagkukulang sa kanya. Ngunit sa huli ay nagsawa din siya. Since she was an only child, nakatuon sa kanya ang lahat ng atensiyon ng mga magulang. Para siyang bata na pinapamper ng mga ito. Her daily activities were all monitored. At halos mga magulang na niya ang nagpatakbo ng buhay niya.
And then she woke up one day tired and weary of her life. Her bestfriend Cindy had already carved a name in the modeling industry. She had successfully done it in her own courage. Cindy was very independent and strong-willed woman. And she envied her. Lalo na kapag nagkukuwento ito how fulfilling her life was doing things with her own. Na nakakarating ito sa kung saan-saang panig ng mundo at nagagawa ang lahat ng gusto. And most of all, Cindy had no parents who control her life. She was free like a bird.
Hindi katulad niya. Sa tuwina mga magulang niya ang kasama sa pamamasyal, panonood ng sine o concert, at sa pagsashopping. Her world evolved with her parents. She never had a normal life. And she’s feeling the pressure of herself getting into maturity the past few months.
She desired to become independent, have her own source of income and live life the way she wanted it to be. Walang mga magulang na magdidikta kung ano ang dapat niyang gawin o hindi.
            “At bakit hindi mo ginamit ang kotse mo?”
            Pabagsak na umupo sa sofa si Rein. Ang dala-dala niyang Loius Vuitton shoulder bag ay ipinatong niya sa ibabaw ng kanilang glamorosong center table. Gawa iyon sa Narra at salamin. “Sinubukan ko lang pong magcommute Pa. Okay naman pala e. Hindi naman ganoon kahirap.” She stretched her limbs. She was tired but she felt good.
            “My goodness Rein! Kaya ko nga binili ang Honda Accord na iyan ay para gamitin mo ng hindi ka mahirapan kung saan ka pumunta.”
            “Pa, I’m not a baby anymore, okay?” She raised her face. “Stop treating me like that. Dapat ay masanay na ako to do things with my own. I’m already twenty-five. I have been too sheltered and it’s not giving me good anymore. I want to grow up. I don’t want to be like this forever. I’m not getting any younger.”
            “Yeah, you’re not getting any younger.” Matiim na tinitigan ni Bernard ang anak. “And since you brought this issue. I think we need to talk.”
            “About what?” Isinandal niya ang likod sa malambot na headrest ng sofa. Medyo nahihilo ata siya sa sobrang traffic kanina ng pauwi siya. Malayo ang Alabang sa Makati at matraffic pa sa Edsa.
            “Let’s talk about your future.”
            Umunat sa pagkakaupo si Rein. Nakuha ang atensiyon niya sa sinabing iyon ng ama. Ito na ba ang hinihintay niyang pagkakataon na maging independent sa mga ito? Her future goes in line with independence. She looked at her father squarely. Enthusiasm mirrored in her face.
            “About your marriage.”
            “What?!” Marahas na tiningala ni Rein ang ama. Ni wala sa hinagap niya ang narinig. Napatayo mula sa pagkakaupo ang dalaga. She was not expecting such statement from her father. Shock na tumitig siya sa kampanteng mukha ng ama. Her head seemed to grow bigger and was now pulsating with total disbelief.
            “Kailangan mo nang makilala ang mapapangasawa mo. Nag-usap na kami ni Pareng Jerry nung isang araw and we think its about time na magkakilala kayo ng panganay na anak niya.”
            “Jerry, who?” Para siyang binagsakan ng langit sa narinig.
            “My kumpadre. Ang daddy ng mapapangasawa mo. Kararating lang nilang buong mag-anak mula sa US two months ago.”
            “NO! Ayoko!” Malakas na tanggi niya ng mag-sink in sa kanyang utak ang gustong palabasin ng ama. Ipapakasal siya nito sa lalaking hindi niya kilala! What was this, arrange marriage? Hindi na uso ang bagay na iyon sa makabagong milenyong kinabibilangan niya.
            “Rein, listen to me. This is all for you. Magiging secure ang kinabukasan mo dahil nanggaling sa isang marangyang pamilya ang mapapangasawa mo. Wala kang-“
            The usual line for marriage of convenience! She smiled bitterly and threw her father a hard look.
“I said ayoko!” Matigas na tanggi niya. She can’t imagine herself getting married with a stranger. Magiging miserable lang ang buhay niya sa piling ng lalaking pinili ng kanyang ama na mapapangasawa. She was sure of that matter. Halos ito na ang nagpatakbo ng kanyang buhay. He chose what course she will take in College. He chose her circle of friends. He approved her clothes first before she can go out of the house. Pati ba naman ang kanyang pag-aasawa ay ito rin ang magtatakda?
“You can’t do this Papa! Your manipulation is too much! Hindi ako makapapayag na pakikialaman mo ang pag-aasawa ko.” She said in shaking voice. Iyon lang at patakbong nilisan niya ang sala.
            Dumiretso siya sa kanyang kwarto. Pabagsak na isinara niya ang dahon ng pinto at ini-lock iyon. Hindi siya makakapayag na ipakasal siya ng ama sa kung kani-kaninong lalaking gusto nito.  Tama na ang pagpapatakbo nito sa buhay niya. Siya ang magpapasya kung sino ang pakakasalan niya at hindi ang kanyang ama.
            “Rein, buksan mo ang pinto.”
            She heard her mother's concern voice but she premeditatedly ignored it. Kanina ng patakbo siyang umakyat sa ikalawang palapag ng kanilang bahay kung saan naroroon ang kanyang kuwarto, tiyempo namang palabas sa silid ng mga magulang ang kanyang ina. Dalawang kuwarto lamang ang pagitan ng master bedroom sa kanyang silid. At nakita siya nito. With her moist eyes and shaky appearance.
            “Leave me alone!” She screamed her lungs out at pasubsob na ibinagsak ang katawan sa malambot na queen size bed.
            “I want to talk to you Rein.” Lalong naragdagan ang pag-aalala sa boses ni Rebecca.
            She harshly took the pillows and covered her ears. She hated her parents at the moment. Pakiramdam niya’y para siyang puppet sa malaking bahay nila. Lahat ng gawin at gusto niya ay utos ng mga magulang. She was an only child. And she hated it. She was a human being, not a puppet for crying out loud!
            Patuloy sa pagtawag si Rebecca ngunit hindi na iyon naririnig ni Rein. Hanggang sa ipinasya na lamang nitong iwanan na lamang ang anak. Sa dulo ng pasilyo ay nakita nito ang asawa. Malalim ang gatla sa noo.
            “I broke him the news about her marriage. At hindi niya gusto ang ideyang iyon.” Napabuntong-hininga si Bernard.
            Concern na tinapunan ng tingin ni Rebecca ang pintuan ng silid ni Rein.

-------------------------- ITUTULOY ---------------------------

2 comments:

  1. abangan ang susunod na kabanata... hehehe... thanks a lot for reading. :) just stay tuned always for updates. tc!

    ReplyDelete