Saturday, January 8, 2011

Tagalog Novel: Let Me Love You by Sharon Rose


 Continuation.......
Wala na siyang ibang mapagpipilian pa kundi ang umalis sa bahay nila. Hindi na niya kayang tumagal pa sa loob ng pamamahay nila. Kailangan niyang iligtas ang kanyang kinabukasan, ang kanyang kaligayahan.
Sa wakas ay magiging independent na rin siya. Hindi na niya matatagalan pa ang pagmamanipula ng kanyang ama sa buhay niya and her arrange marriage was the last straw she can take. Sagrado sa kanya ang salitang kasal. It was her only priviledge. Hinding-hindi siya magpapakasal sa isang lalaking hindi niya kilala, over her dead body!
            Tinapunan niya ng pansin ang kanyang cellphone na nakapatong sa dresser ng muli itong tumunog. Ilang beses ng tumunog ang cellphone niya ngunit wala siya sa mood na icheck iyon. Sariwa pa sa kanyang isipan ang nagging pag-uusap nila ng ama. It was actually constantly playing again and again like a pirated VCD.
            Pero tumayo na rin siya sa kama at lumakad patungo sa dresser. Dinampot ang cellphone at nakita niyang limang unread messages na ang naroroon. Binasa niya ang mga natanggap na text message.
             Wer r u?
            Nagkasalubong ang kanyang mga kilay. Hindi nakasave sa phone book niya ang number ng nagtext sa kanya. Nadagdagan ang pangungulimlim ng kanyang anyo. Binasa niya ang iba pang mga text messages.
            Hi! Hw r u? I’m hir along Roxas Boulevard. Wt r u doing pretty? Pls txt back.
            Hi! Ds s troy. Hope u stil rmember me. Waz up? Pls txt back.
            Hey, ds s troy. Ung namit mo kanina. Ung drummer. I rli find u vry pretty. Pls txt back.
            Tumikwas ang kilay ni Rein matapos basahin ang mga text messages na iyon. Ngunit hindi maikakailang kinikilig ang puso niya. So sa malanding lalaking iyon pala nanggaling ang mga text messages niya.  His handsome face pierced her mind and she felt a sudden chill. Kahit wala sa harapan niya ang lalaki, she felt as if his eyes bored to hers, his charms doing wonders in her dormant heart.
            Damn, bakit siya nakakaramdam ng ganito para sa lalaki? She threw his image abruptly in her mind at binasa ang huling text nito.
            Hi Rein. 8s me Troy. Hope ur doin fine. Do u stil rmember me? Ung makulit na guy na nakilala mo kanina. Pls txt back..
            She smiled. He humored her by his callous admission. She can't help but agree. Yes, he was indeed makulit. Halos lahat ng text ng lalaki ay may 'Please text back'. Malapad na ngayon ang ngiti niya. Sandaling nakalimutan ang naging pag-uusap nila ng ama at ang kinakaharap na problema.
            Sori. D ko npansin ang fon ko. So d ako nkarep kaagad.
            Wala siyang maisip na ireply sa binata kaya iyon na lamang ang kanyang si-nend dito.
            8s ok. Thnk goodness u replied. So hw r u? wer r u? im hir chilin out n Roxas Boulevard. Can i invite u out?
            Tinapunan niya ng tingin ang wall clock na kala-hang sa dingding. Mag-aalas dose na ng hatinggabi. In an ordinary day, it was too late to go out. But tonight was not one of those ordinary days.
Naglakbay sa paligid ng kanyang silid ang kanyang paningin at tumigil iyon sa travelling bag na nasa paanan ng kama. Laman niyon ang mga gamit at damit na dadalhin niya sa kanyang paglalayas.
Ipinasya na niyang umalis sa bahay na ito. At ngayong hatinggabi niya gagawin iyon. Kapag tulog na ang mga magulang at mga katulong. Maglalayas siya at hindi mangyayaring magpapakasal siya sa lalaking gusto ng kanyang ama.
            Ngunit ang travelling bag na pinaplano niyang dalhin ay malaki at mabigat. Mahihirapan siyang dalhin iyon. Buti na lamang at malapit sa gate ng Ayala Alabang ang bahay nila. Hindi malayo ang lalakarin niya. Hindi niya dadalhin ang sasakyan niya kahit pa mahihirapan siya. Mga importanteng gamit lamang ang kanyang dadalhin.
            Binuksan niya ang kanyang closet at mula doon ay hinugot ang bagpack. Bagpack na lamang ang kanyang gagamitin para hindi siya mahirapan sa pag-alis sa bahay nila. Apat na blouse at tatlong pantalon, mga undies at ilang personal na gamit ang isinilid niya sa bagpack. Bibili na lamang siya ng mga gamit kapag nakahanap na siya ng mauupahan. May naipon na rin siyang pera at hindi niya gagamitin ang tatlong credit cards na meron siya o magwithdraw ng pera sa kanyang bank account.
            Pangangatawanan na niya ang paglalayas niyang ito. Bitbit ang bagpack ay maingat na binuksan niya ang pintuan at sumilip sa labas. Sinalubong siya ng katahimikan. Wala siyang nakitang tao sa hallway. Maingat na isinara niya ang pintuan at patingkayad na naglakad. Tulog na yata ang kanyang mga magulang. 
            Nasa gate na siya ng kanilang bahay ng makarinig ng ingay sa loob ng kabahayan. Mabilis na hinugot niya sa bulsa ang susi at binuksan ang lock ng pantaong gate. Nakahinga siya ng maluwag ng makalabas ng gate na walang nakapansin sa kanya.
Palinga-linga pa siya sa paligid habang naglalakad sa daan. Malapit na siya sa Entrance gate ng subdivision mg muling tumunog ang kanyang cellphone.
             Hi. D kna nagreply?
            Wait for me. Im coming. Kaagad na nag-reply siya sa text nito.
            “Saan po kayo Ma’am?” Magalang na bati sa kanya ng security guard ng makarating siya sa bungad ng gate ng kanilang subdivision.
            Isang tipid na ngiti ang itinugon ni Rein. Kinabahan tuloy siyang bigla. Paano kung tatawagan nito ang kanyang mga magulang at isumbong na lumabas siya ng bahay sa dis oras ng gabi? Ngunit hindi siya nagpahalata.
            “May bibilhin lang ako sa convenience store diyan sa labas.” Sa ayos niya ay hindi siya mapagkakamalang naglayas. Hindi kalakihan ang dala niyang bagpack.  Kinompress niya sa loob ang kanyang mga gamit upang hindi maging bulky tingnan ang dala niyang bagpack. At nakasuot lamang siya ng walking shorts at simpleng blouse.
            “Gusto ninyo tawagan ko po kayo ng taxi Ma’am?” Magalang na suhestiyon nito. Kilala ang kanilang pamilya sa subdivision dahil miyembro ng homeowner's association ang Daddy niya.
            “Thanks!" Matamis niyang nginitian ang guard upang madivert ang atensiyon nito at nagtagumpay siya. "No need. I can manage.”
            Tiyempo namang kalalabas lang niya sa entrance gate ng subdivision ng may dumaang taxi. Kaagad na pinara niya iyon. Saka lamang siya nakahinga ng maluwag ng makapasok na sa loob ng sasakyan.
            “Roxas Boulevard po manong.” Sabi niya sa driver nang kampante ng makaupo sa loob ng sasakyan.
            “Naku malayo po yun Ma’am at saka mahal po ang bayad sa toll.”
            “Don’t wori manong magbabayad po ako. Babayaran ko ang toll at ang metro ng taxi nyo.” Nginitian niya ang di pa naman katandaang driver.
            Napakamot na lamang ito sa ulo at pinatakbo ang sasakyan.

HEY, WER R U NW? PLS TXTBACK.
            Ang kulit naman nito. Napailing na lamang si Rein habang binabasa ang txt na iyon ni Troy. 
            Im alredy hir at Malate. R u stil n Baywalk?
            Pagkatapos maisend ang kanyang reply ay pumasok siya sa loob ng Iseya Hotel. Magchecheck-in muna siya ngayong gabi sa hotel na ito. Okay naman ang lugar at ang mahalaga ay mura lamang ang rate ng mga kuwarto. Lumapit siya sa receptionist.
            “Good Evening Ma’am.” Magalang na bati ng receptionist.
            “Room for one person good for 24 hours.” She told the receptionist. Bukas ay maghahanap na siya ng murang paupahang apartment o kahit room for rent somewhere around Makati.
             I’ve bin waiting 4 ages…
            Napatingin tuloy sa suot na wristwatch si Rein ng mabasa ang reply na iyon ni Troy. Mag-aala una na ng medaling araw. Halos ay mag-iisang oras na siyang hinihintay ng lalaki. Ngunit sapat lamang ang ginugol niyang oras sa pagbibiyahe. Sa Alabang pa siya nanggaling. At malayo ang Alabang sa Roxas Boulevard.
            Papunta na ako diyan sa Baywalk.
            Pagkatapos maisend ang kanyang reply sa binata, inabot niya ang susi mula sa receptionist at pagkatapos marinig ang instruction nito, mabilis na umakyat sa ikatatlong palapag ng gusali kung saan naroroon ang kanyang silid..
            Inilapag niya ang dalang bag sa kama at kaagad na nagpalit ng damit. Pagkatapos ay kinuha ang maliit na purse kung saan nakalagay ang kanyang make-up paraphernalia at mabilis na nag-ayos ng sarili. Nagpahid siya ng pulbo sa mukha at naglagay ng light na eyeshadow, blush on at lipstick. Pagkatapos suklayin ang kanyang mahabang buhok, sinipat niya ang sarili sa salamin. Pagkatapos lumabas na siya sa kanyang silid at naglakad patungo sa Baywalk.
            Naghihintay siya sa reply ni Troy ngunit nakarating na lamang siya sa Baywalk ay wala siyang nareceive na text mula dito. Inilibot niya ang paningin sa maraming taong nandoon sa Baywalk ng mga sandaling iyon.
            Nasaan na kaya ang lalaking iyon? She thought. Naghanap siya ng mauupuan at nang makaupo na ay muling tinext ang lalaki.
            I’m hir at Baywalk. Wer r u?
            Inabala niya ang sarili sa panonood sa mga tao sa paligid pagkatapos maisend ang kanyang text. Ito ang pangalawang pagkakataong nakarating siya sa Baywalk. Ang unang pagkakataon ay noong magcelebrate ng birthday ang kaibigan niyang si Cindy. Nagpasya itong umiba naman ng venue kung saan sila palaging tumatambay. Kadalasan kasi, they met and hang out in Shangrila Plaza. Cindy wanted to have something new in her birthday at outdoor ang dating. Kaya ayun at sa Baywalk sila napadpad.
            Nasa malalim siyang pag-iisip ng tumunog ang cellphone niya. Kaagad na sinagot niya ang natanggap na tawag. “Hello...” Her voice barely came out of her throat.
            “Hi!”
            Kaagad na lumakas ang kabog ng dibdib ng dalaga. Troy’s voice sounded so full and deep. Kaagad na nanlamig ang mga palad niya. “Hi…” Her voice almost faltered. “Where are you?” She asked out of the blue.
            “Sorry for making you wait. Im just here at your back, watching you in a distance. Turn around Sweet.”
            Pakiramdam niya ay namula ang pisngi niya sa pagkapahiya. Sa isiping kanina pa siya pinagmamasdan ng lalaki sa di kalayuan, gusto niyang umalis at magtago. Sinunod niya ang sinabi nito. Lumingon siya. Nakita niya ang binatang nakasandig sa puno ng niyog. Hawak nito ang cellphone nitong nasa tenga ng binata. He flashed a smile that made her heart even wilder.
            Pakiramdam ni Rein ay napako siya sa kinatatayuan habang nakatitig lamang sa guwapong mukha ng binata. He looked more handsome tonight. Nakasuot ito ng checkered polo and itim na denim. He shaved his thin mustache and his clean handsome face proved to be simply dreadful.
            Napangiti siya. “You’re unfair. Kanina mo pa pala ako nakita.”
            Troy chuckled.  “You look so occupied so I decided not to spoil your thoughts. But you look so lovely tonight, Sweet.”
            “Why, thank you!” She answered with sarcasm. She was fully aware of her erratic heartbeat. Kakaiba ang dating sa kanya ng papuri ng lalaki. It flattered her and at the same time, it gave her chills.
            He chuckled again. Pagkatapos ay lumakad ito palapit sa kanya.  “So can I take you out for a date tonight?” Nasa harapan na niya ito. His eyes roved around her face gently.
            Rein was momentarily stunned as she looked at his penetrating sexy eyes. She was lost for words. This gorgeous man wanted to date her; she felt like screaming. Damn, but kinikilig ang damdamin niya!
            “At saan mo naman ako ide-date?” Muntik na siyang nautal. Magkaharap lamang sila ngunit patuloy pa rin silang nag-uusap sa cellphone. She was so thrilled with the new experience.
            “What’s your fancy date?” He answered back with a glow in his eyes. “I can take you to the moon if you want to.”
            “Really?” Lumapad ang ngiti niya.  “I don’t want you to date me on the moon. I want you to date me on Mars.”
            “The red planet?” His eyebrows rose sensually. “Oh yeah, since its called red planet, I think it’s a very romantic place wherein we can spread love.” Madamdaming tumitig ito sa mukha niya.
            Biglang nanuyo ang lalamunan ni Rein. She knew she was flirting with him but she discovered she can’t ride on his game. Kung binobola lamang siya ng lalaking ito, tiyak na masasaktan ang damdamin niya. Ibinaba niya ang paningin sa lupa pagkatapos ay tumalikod.
            “I’m sorry. I was just joking.” Maagap na humingi ng paumanhin ang binata. Tinapos nito ang tawag at isinilid ang cellphone sa bulsa. Pagkatapos ay iniharap ang dalaga. He held her wrist. “Let’s go.”
            Nagtatanong ang kanyang mga mata ng tumitig siya sa lalaki. Ngunit nagpaubaya siyang akayin nito. Dinala siya nito sa parking area kung saan nakahimpil ang magara nitong sasakyan. A brand new Jaguar. Now she was sure that this man was something.

3 comments:

  1. Sha,I hope you will post the continuation of "Let me love you".I love it.

    ReplyDelete
  2. ahhh..kakabitin nmn 2..love disss story!!!

    ReplyDelete
  3. wala papo bang continuation??eheh

    ReplyDelete