Ngayon naman, magsasampa raw si Annabelle ng harrassment complaint laban kay Nadia dahil sa insidenteng nangyari noong December 6, sa Imperial Palace Suites, sa kanto ng Timog at Tomas Morato avenues sa Quezon City.
Ito ay matapos ireklamo ni Nadia sa QC Hall Police Detachment ang ginawang pagsisigaw, pagmumura, at pananakot ni Annabelle sa kanya at sa kanyang mga anak na si Alyanna at Annika, sa mismong opisina ng piskal na nagko-conduct ng clarificatory hearing nila..
Bandang huli, nang lumabas si Annabelle mula sa tanggapan ng piskal, narinig na rin ng press ang pagbulyaw nito ng "Tell the truth!" sa dalawang anak ni Nadia. Tuloy-tuloy na rin ang pagmumura ni Annabelle kay Nadia sa harapan ng media na sumusunod sa kanya.
Ano naman ang masasabi ni Annabelle sa umanoy pagpunta ng mga pulis sa opisina nito?
"Hindi ako natatakot sa mga pulis dahil wala akong kasalanan.
"Wala rin akong kasalanan kay Nadia.
"Naaawa nga ako sa mga pulis dahil nagpagamit sila kay Nadia.
"Inaalam ko na ang mga pangalan ng mga pulis na nagpunta sa Imperial.
"May mga nagsasabi sa akin na sampahan ko ng kaso ang mga pulis, pero pupuntahan ko sila ngayon sa kanilang presinto sa Quezon City Hall.
"Kakausapin ko sila. Hindi ako natatakot ko sa kanila.
"Ipapaliwanag ko sa kanila na hindi ko sila pinagtataguan.
"Kailangang malaman nila na ginagamit lamang sila ni Nadia."
Wala rin daw siyang planong pakawalan ang mga anak ni Nadia, na parehong may kontrata pa sa Royal Artists Management.
"Wala akong kasalanan kay Nadia.
"Ang kasalanan ko lang, e, manager ako ng kanyang mga anak na hinanapan ko ng mga trabaho.
"Tandaan ito ni Nadia, babangon ako at dudurugin ko siya!
"Para akong si FPJ na hindi basta magpapatalo sa mga kontrabida.
"Hindi ko bibitawan ang kanyang mga anak.
"May mga kontrata sila sa akin.
"Kailangang sundin nila ang kontrata hangga't hindi pa ito expired. Kakasuhan ko siya ng harrassment."
No comments:
Post a Comment