Tuesday, December 6, 2011
Scandals: Rhian Ramos, Nagsalita Na Sa Mga Alegasyon ni Mo!
Matapos ang ilang araw ng pananahimik ay nagsalita na rin ang young actress na si Rhian Ramos tungkol sa mga akusasyon ni Mo Twister laban sa kanya.
Ito ang patungkol sa akusasyon ng radio at TV host na ipinalaglag ni Rhian ang kanilang anak sa Singapore noong Hulyo ng nakaraang taon.
Ang statement ay inere ngayong gabi, December 5, sa 24 Oras ng GMA-7, sa report ni Sandra Aguinaldo.
Nakapanayam ng GMA-7 si Rhian sa pulong nito sa kanyang lawyer na si Atty. Lorna Kapunan. Pinirmahan nito ang reklamong isasampa niya bukas laban kay DJ Mo.
Emosyonal si Rhian at halatang naluluha habang sinasabi ang maikli niyang pahayag.
Ayon kay Rhian, "I think more than what the people has seen, I have been hurt over a longer period of time, unnecessarily, and I think, undeserved.
"I just hope to be able to put an end to that today so that hopefully I can move on."
Ayon sa report, tumanggi ang aktres na sagutin ang mga tanong ng press, ngunit nangako ito na maglalabas ng mas mahabang pahayag sa darating na panahon.
Nang si Atty. Kapunan naman ang tanungin ng press ay sinabi nitong si Rhian na lang ang tanungin sa mga susunod na araw. "It will be answered in due course," saad niya.
Ipinaliwanag ni Atty. Kapunan na ang isasampa nilang kaso laban kay DJ Mo ay ang paglabag diumano nito sa Republic Act 9262, o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.
Kaugnay nito, hihingi rin si Rhian ng temporary protection order para pigilan si DJ Mo na maglabas pa ng mga tinatayang mga mapanirang pahayag laban kay Rhian.
Magiging ebidensiya naman sa kaso ang nauna na umanong mga statements ni DJ Mo.
Ayon kay Atty. Kapunan, "The court will determine if it will issue a permanent protection order."
Dagdag niya, "This is not normal behavior; it is dysfunctional behavior."
Sinabi rin ni Atty. Kapunan na "pagod" na si Rhian sa mga harassment umano ni DJ Mo. Ang temporary protection order daw ay para pigilan ang harassment na ito.
Sa paliwanag ni Atty. Kapunan: "This has nothing to do with truth or lies, no?
"That is not what the protection order is about.
"What this is all about is harassment.
"He is harassing Rhian.
"Mo is harassing for all these utterances in public."
Dagdag pa ng lawyer, depende na kay Rhian kung magsasampa pa ito ng ibang kaso laban kay Mo.
Sa parehong report ay nagbigay rin ng pahayag ang ina ni Rhian na si Clara Ramos.
"Siyempre, malungkot siya ano? Talagang it's devastating. I'm glad that she's able to be okay and function properly naman," sabi niya.
Nagpahayag din si Mrs. Ramos ng matinding inis sa mga pahayag na isa sa dahilan ng umano'y abortion ni Rhian ay ang pressure ng kanyang pamilya.
"Natural lang na nakakainis na pati kami nadaramay. Merong mga bagay na sinasabi na pabigla-bigla...
"Of course, in this family, we're all in this together."
Nagpasalamat din si Mrs. Ramos sa mga sumusuporta sa kanyang anak.
"Nakakataba ng puso," aniya.
Sinubukan din ng GMA-7 na kuhanan ng pahayag ni DJ Mo, ngunit hindi raw ito sumasagot sa kanilang mga tawag.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment