Thursday, February 21, 2013

Showbiz News: Xian Lim at Kim Chiu, Nag-Date sa Isang Bonggang Yate Last Valentines Day!


Kung ang ex ni Kim na si Gerald Anderson at ang bagong love of his life ngayon na si Maja Salvador, na bestfriend ni Kim dati, ay nag-date gamit ang isang chopper last Valentines, hindi naman patatalo si Kim. Bonggacious din ang Valentines Date nito kasama si Xian Lim! Kung by the air ang drama nina Gerald at Maja (gamit ang chopper), by the water naman ang peg nina Kim at Xian. The two spent their Valentines in an intimate date cruising around the Subic Sea in an expensive yacht.

Masayang nagkuwento si Kim sa nangyaring date nila ni Xian. Eto ang naging pahayag niya sa press.

According to her, last week she was with her family and close friends in Subic when she received a call from Xian.

“Nag-Subic din siya," Kim began. "Sabi niya, may shoot daw siya doon.

“Sabi niya, ‘Punta kayo dito sa Subic Yacht Club.’

“Sabi ko, ‘Ano’ng meron? Sige na nga, pero sandali lang kami kasi mangangabayo pa kami ng mga kapatid ko.’

“Then, noong pagpunta, may pa-yacht si Kuya! Nagulat naman kami!

“Kasama ko ‘yong pamangkin ko, ‘yong ate ko, at saka isang kaibigan ko.

“Ayun, nag-ikot kami for three hours at may pa-design naman siya sa yate.”

Kim did not go on to give details of this design, but she did say that she never expected any of it from Xian: “Siya ang taong full of surprises!”

She added: “Nakakatuwa, kasi panibagong experience for me.

“Hindi ko pa nararanasan ‘yong ganun, may surprise-surprise.”

No comments:

Post a Comment

Post a Comment