Tuesday, January 24, 2012

Showbiz News: Showbiz Couples na Hinulaang Hindi Magkakatuluyan!


Nagbigay ng hula si Robert Dazz, isang psychic at feng shui master na half-British at half-Indian, sa mga real life showbiz couples na hindi magkakatuluyan.

Eto ang hula niya.


Sina Zanjoe at Bea Alonzo naman ay "hindi sila magkakatuluyan." Dugtong niya, "Ganun lang girlfriend-boyfriend, they enjoy the company, pero hindi pa sila."

Si Rayver Cruz naman daw ay hindi para kay Cristine Reyes.

Ang prediksiyon ni Robert, "Si Cristine, very successful siya sa career niya, pero hindi si Rayver ang mapapangasawa nya. Wala 'yan, hindi pa 'yan. Kala niya lang si Rayver na pero hindi pa sya."

Ganundin ang tinuran niya kina Luis Manzano at Jennylyn Mercado: "Hindi naman sila magkakatuluyan, natutuwa lang sila sa isa't isa."

Tungkol naman kina John Prats at Bianca Manalo, "makakakita" raw ng iba ang dating beauty queen.

"Pareho sila mabait, pareho silang honest...Hindi naman pag sinabi kong ganun na di sila magkakatuluyan ay may dishonesty yung isa, pero yun ang nakikita ko.

"Si Bianca, medyo mag-stop nang konti yung career niya 'tapos magtutuloy-tuloy rin in a while, pero moderate, hindi ganun kataas."

Para sa mga fans, chill chill lang at hula lang naman ang mga ito. Hehehe...

No comments:

Post a Comment