Monday, January 16, 2012

Showbiz News: Marian Rivera Debuts New Look!


Marian Rivera sported a new hairstyle, a longer version of KC's new bob, but slightly wavy at the end, when she and Dingdong Dantes showed up in the airport as they headed for a short vacation.

May pinagdadaanan din ba ang Primetime Queen ng GMA 7 na si Marian Rivera at nagpaputol din ito ng buhok? Ayon kasi kay KC, kapag may pinagdadaanan daw ang isang babae, ang tendency ay magpaputol daw ng buhok. Ito rin ba ang case ni Marian?



Well, ang sabi naman ni Marian, kaya daw siya nagpaputol ng buhok ay dahil tapos na ang Amaya at bilang paghahanda na rin sa bago nitong teleserye, ang My Beloved, kung saan ay muli silang magsasama ng long time boyfriend nitong si Dingdong Dantes.

Nagpapasalamat si Marian sa magandang feedback sa pagtatapos ng Amaya at nag-trending pa ito sa Twitter. "Sana, kung gaano kainit ang pagtangkilik sa Amaya, ganu’n din daw nila tanggapin ang My Beloved nila ni Dingdong."

Samantala, wala pang komento si Marian sa napabalitang magsasama sila ni Angel Locsin sa isang pelikula.  “Pinag-uusapan pa lang, eh. Mahirap ding magdesisyon, kasi, may manager ako, Regal baby ako. Marami dapat i-consider kung sinong mga taong dapat kausapin,” sagot ni Marian.

No comments:

Post a Comment