Wednesday, January 18, 2012

Showbiz News: Jason Abalos, Inaming Sila Na Ni Jewel Mische!


New couple alert!

The hunky actor and lead star of Phr presents Lumayo Ka Man Sa Akin, Jason Abalos, admitted in the presscon of his new tv series that He and Jewel Mische are a couple. Si pogi at si maganda na mabait pa (sabi-sabi kasi mabait daw itong KC look alike na ito). O di ba, bagay naman sila?




Gaano ba ka-special si Jewel sa kanya?

"Sobrang special ni Jewel. Siya yung bumago ng buhay ko. Siya yung naging daan sa pagkakaroon ko ng faith ngayon," sagot ng young actor.

Ano ang nagustuhan niya kay Jewel? "Unang-una kasi, lumaki ako sa pamilya na relihiyoso. Kumbaga, nagkataon lang na nung nag-showbiz ako, nabarkada, medyo naiba yung landas ko. Siguro nagpapasalamat lang ako na 'eto ulit ako, bumabalik—at dahil iyan kay Jewel."

Kailan nabuo ang magandang pagtitinginan nila?

"Kasi nung lumipat siya sa ABS, nagkikita na kami. Tapos yun, minsan niyaya niya ako sa church nila. Christian siya."

Matagal ring naugnay noon ang young actress sa Kapuso leading man na si Richard Gutierrez.

Nagkatrabaho na ba sila ni Jewel?

"Hindi pa," sagot ni Jason.

"Actually, dahil din kay Maja [Salvador] kaya kami nagkakilala. "Kasi si Maja napaka-friendly na tao na iyan. Nung makita niya si Jewel na wala pang kaibigan... Di ba, kasi bago pa lang si Jewel sa ABS? Tapos yun, kinaibigan niya. E, kaibigan ko naman si Maja, kaya yun, nagkakilala din kami ni Jewel."

Ano ang qualities ni Jewel na hinahangaan niya?

"Sobra siyang devoted sa kung anuman yung ginagawa niya. Para sa akin, yun ang bagay na kailangan ko kasi alam ko naman kung gaano ako kahina. Siguro para sa akin, siya yung mag-aakay."

Sa palagay niya ba ay si Jewel na ang tamang babae para sa kanya?

"Ipinagdarasal ko," sambit ni Jason.

No comments:

Post a Comment