Wednesday, August 3, 2011

Showbiz News: Marian, Takot Maagaw Sa Kanya si Dingdong Kaya Inaway si Heart!


SA TELL ALL presscon na ipinatawag ng kampo ni Heart Evangelista noong July 21, emosyonal na ikinuwento ni Heart ang totoong nangyari sa shooting ng Temptation Island sa Ilocos.

“Naikuwento ko lang na excited akong makasama si Dingdong (Dantes) sa isang project, du’n na po siya (Marian Rivera) nagsimulang magalit.

“Sinugod niya ako sa kuwarto nang dalawang beses at kung anu-ano ang mga sinasabi niya. Nakakatakot. Ako kasi… pinagbabantaan na niya ako na isang text lang daw niya sa mga fans niya, papatayin na daw ako ng mga iyon. Du’n talaga ako sobrang natakot.” Pagtatapat ni Heart.

Matatandaang hindi lamang si Heart ang sinugot ni Marian dahil kay Dingdong. Ikinulong nito sa CR at sinigaw-sigawan si Bella Padilla. Inaway din nito si Sam Pinto.

Takot na takot yata si Marian na maagaw sa kanya si Dingdong. Sabagay nilandi kasi nito si Dingdong noon at inagaw kay Karylle. Takot sa karma ang palengkerang ititch!



No comments:

Post a Comment