Tuesday, December 14, 2010

Shocking News: Hubert Webb at Anim Pang Sangkot Sa Vizconde Massacre, Pinawalang-Sala!


Ano na namang kabalbalan ito ng Gobyerno? Sampung taon pagkatapos ma-convict, malaya na ngayon si Hubert Webb at ang iba pang main suspects sa pagpatay sa tatlong miyembro ng Vizconde family.

Ang nagagawa nga naman ng kapangyarihan at pera! Kawalang-hiyaan ito!


Ngayong araw, December 14, ang naunang hatol ng dalawang lower courts sa panggagahasa kay Carmela Vizconde, at pagpatay sa kanya at sa ina nitong si Estrellita at kapatid na si Jennifer halos dalawampung taon na ang nakararaan.

Pitong miyembro ng Supreme Court ang bumoto para sa acquittal, apat ang nag-uphold ng naunang desisyon, at apat ang nag-inhibit.

Bukod kay Hubert, anak ng dating senador at aktor na si Freddie Webb, ang iba pang napawalang-sala ay sina: Antonio "Tony Boy" Lejano, anak ng aktres na si Pinky de Leon; Michael Gatchalian at Miguel Rodriguez, anak ng mga prominenteng mga abugado; Peter Estrada, anak ng isang mayamang negosyante; Pyke Fernandez, anak ng isang retired commodore; at ang dating pulis na si Gerardo Biong.

Ayon sa GMA News, bagamat siyam na tao ang na-convict noon, dinesisyunan lang ng Supreme Court ang kaso ng pito sa kanila. Ito ay dahil ang dalawa sa kanila—sina Joey Filart, diumano'y kamag-anak ni Capital Region Command Chief Marino Filart, at Dong Ventura, anak ng isang negosyante—ay nananatiling "at large."

Ayon sa spokesman ng Supreme Court na si Jose Midas Marquez, in-acquit ng korte si Hubert at ang kanyang mga kasama "for the failure of the prosecution to rule their guilt beyond reasonable doubt."

Dagdag pa ni Marquez, "They are ordered released from detention unless for another lawful cause."

Ang mga bumoto para sa acquittal ay sina Associate Justices Roberto Abad, Conchita Carpio-Morales, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Jose Perez, at Ma. Lourdes Sereno.

Ang mga nag-dissent naman ay sina Chief Justice Renato Corona; Associate Justices Martin Villarama, Teresita Leonardo-De Castro, at Arturo Brion.

Nag-inhibit naman sina Associate Justices Antonio Carpio, Eduardo Nachura, Diosdado Peralta, at Mariano del Castillo.

Sa pagkaka-acquit kay Hubert at ng kanyang mga kasamahan, nananatili ang katanungang ito: Sino nga ba ang tunay na pumatay kina Estrellita, Carmela, at Jennifer Vizconde?

Si Hubert ay inakusahan ng panggagahasa kay Carmela, na pinatay kasama ng kanyang ina na si Estrellita at kapatid na si Jennifer sa kanilang tahanan sa BF Homes Parañaque noong June 30, 1991.

Noong January 2000 ay na-convict si Hubert at ang kanyang mga kasama ni dating Paranaque Regional Trial Court Branch 274 Presiding Judge Amelita Tolentino.

The Court of Appeals upheld the conviction noong December 2005.

Si Tolentino ay Associate Justice na ngayon ng Court of Appeals.

Inakyat ni Webb ang kaso sa Supreme Court at ni-request niyang magsagawa ng DNA analysis sa semen sample o vaginal smears mula sa katawan ni Carmela.

Dahil sa desisyong acquittal ng Supreme Court, hindi na maaaring maghain ng appeal ang complainant na si Lauro Vizconde—asawa ni Estrellita at ama nina Carmela at Jennifer—dahil sa doktrina ng "double jeopardy."

Tiyak nagdadalamhati ngayon si Lauro Vizonde. Di namin maimagine kung anong sakit ang nararamdaman niya sa obvious na injustice system na ito ng Pinas!

Sabagay meron namang impyerno na susunog sa kaluluwa ng mga pusakal na kriminal na ito pagdating ng araw ng paghuhukom!

1 comment:

  1. "Requiescat In Pace" sa family mo lauro vizconde...i will help you if you want to hunt down who is the responsible to kill your family...

    ReplyDelete