Friday, December 17, 2010

Naiibang Tula: DeJaVu sa Pag-ibig By Claude Ulita

Tunay ngang katumbas ng ngiti ay luha,
Ang kaligayahan naman ang sa kalungkutan,
Mga damdaming sa aki'y bumabalot,
Na hindi mawari kung kailan ibabaon sa limot.


Nakapagtatakang kusang umuulit ang tadhana,
Iyon bang magkaibigan kayo sa simula,
Na biglang may namuong kakaibang saya sa tuwina,
Na humantong naman sa pagpaparaya sa kanya.


Ilang beses na ba akong ngumiti,
Na ang kapalit ay mga paghikbi?
Mga panahong pinilit kong huwag umasa
Dahil alam kong ito'y mapupunta lamang sa wala.


Tila isang awiting sinimulan na nakakaaliw
Na biglang nabahiran ng madamdaming saliw,
Kung ano ang ligayang natamo sa una,
Ay siya ring lungkot ang sa huli'y nadarama


Tunay ngang si Tadhana'y mapaglaro,
Bawat puso'y pilit niyang binibiro,
Ibig niya lamang sigurong tayo'y matuto
Sa bawat pagkakamaling gawa lamang ng puso
.

Hindi ko alam kung paano ito wawakasan,
Ang tulang aking sinimulan,
Pagkat hindi ko alam kung saan matatagpuan
Ang wakas na dapat kong patunguhan,


Ibig kong kayo na lamang ang tumapos
Sa madamdaming likhang ito,
Bawat kataga, isapuso niyo,
Nang hindi kayo malinlang ng mundong ito.


Orihinal na Likha ni: Claude Ulita (12-22-06) 


9 comments:

  1. nose bleed!! napakalalim ng iyong mga tagalog mare. :) first to comment - barbs

    ReplyDelete
  2. mare, remember this? so flattered, na ganun pa rin reaction mo!! :) -C

    ReplyDelete
  3. naks, wow nman. Para ako nakarelate ah.. haha

    ReplyDelete
  4. hey, ang cute naman ng tulang ito... :)natuwa naman ako.

    ReplyDelete
  5. Wow..touching nmn 2,,kakahabag damdamin..ang galing nyo nmn po Claude Ulita!!..saludo ako sau

    ReplyDelete
  6. parang hindi naman. parang pinilit lagyan ng tugma. okay sana e. sana sinimplihan mo pa yung mga salita. kailangan ng konting pagbabago. kulang.

    -By Inggiteras and walangMagawas

    ReplyDelete
  7. salamat po sa mga natuwa..! :)

    at sa hindi naman po natuwa, i respect ur judgment! :)

    ReplyDelete
  8. Okay naman. Pero honestly hindi maganda yung parang pagbabagay ng mga bilang ng mga pantig. :))

    ReplyDelete
  9. Huwag mong piliting magtugma yung mga hulihan.

    ReplyDelete