Wednesday, December 29, 2010
Ai-ai, Natupad Ang Wish, Nanalong Best Actress sa MMFF 2010
Masayang-masaya si Ai-ai delas Alas at natupad ang wish niya ngayong taon. Hiniling niyang manalo ng Best Actress para sa huling installment ng Ang Tanging Ina Mo: Last Na To, at ito naman ay dininig ng mga hurado sa ginanap na 2010 Metro Manila Film Festival.
Umuwing luhaan bagamat napanalunan ni Ai-ai ang Best Actress trophy noong December 26, 2010 dahil naging emosyonal ito sa kanyang acceptance speech.
Ilang segundong hindi muna nakapagsalita dahil sa totoong pag-iyak, pero ito'y naging kaaliwan ng mga taong nanood ng seremonyas sa Meralco Theater dahil, sa sandaling nagsalita na ang actress-comedienne, ay tuluy-tuloy na ang pagbibitiw niya ng witty punchlines, na animo'y nasa comedy bar siya.
"Pasensiya na... Nahihiya kasi ako kung lahat sila nanalo, tapos ako lang ang hindi," umiiyak na simula ni Ai Ai, habang tangan sa may dibdib ang kanyang MMFF Best Actress trophy.
"Ang gagaling n'yo," sabi niya, patungkol sa mga hurado. "Tama lahat ang desisyon n'yo... tama lahat!"
Isa-isang binanggit ni Ai-Ai ang mga taong gusto niyang pasalamatan—buhay man o patay na—sa una niyang pagpanalo ng best actress award sa MMFF.
"Thank you so much po sa lahat ng mga bumoto," sabi niya, "at sa ABS-CBN family. Thank you po kay Direk Wenn na gumawa nitong lahat po. Lahat ng mga [gumanap na] anak ko—si Marvin [Agustin], si Shaina [Magdayao] na magagaling po dito. Kay Carlo [Aquino], kay Nikki [Valdez]...
"Thank you sa lahat po ng nagdasal para sa akin... Father Allan, lahat po ng Dominican nuns... Opo, nagdasal sila. Sabi nila, dapat Best Actress ako! Thank you sa mga bishop and the clergy!"
Nagtawanan ang audience sa bahaging ito ng speech ni Ai-Ai. At lalong nagtawanan sa sumunod na binanggit ng comedienne.
"Thank you sa mga kaibigan ko po na nagdadasal... Manager ko po, si Boy Abunda. Ang una kong manager, si Nap Gutierrez, tsaka yung namatay ko na pong manager, si Tita Angie [Magbanua]...
"Tsaka sa lahat po... Lito Alejandria, partner ko [sa business]. Lahat po ng mga press people na tumulong sa akin... sina Jobert [Sucaldito], si Richard Pinlac, si Tita Lolit [Solis], si Jojo Gabinete, si Ricky Lo, si Shirley Pizzaro, si Bayani San Diego, si Jun Nardo...
"Yung mga nakalimutan ko po, pasensiya na, pasasalamatan ko kayo sa The Buzz," banggit pa ni Ai-Ai.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment