Thursday, April 3, 2014

Showbiz News: Si Derek Ramsay Nga Ba Ang Bagong Lalaki sa Buhay ni Kris Aquino?



"Thank you because God must love me to give me someone like you to lean on & count on. Bahala na kayo sa interpretation but  "@ramsayderek11"  deserves a shout out. " Ito ang bahagi ng caption sa inilagay ni Kris Aquino sa isa niyang message post sa Instagram account tungkol sa mga babaeng "broken hearted."


Sa kaniyang Instagram account, nagpost si Kris ng mensaheng: "For every girl with a broken heart, there's always a boy with a glue gun."

Sinamahan niya ito ng caption kung saan nabanggit niya ang aktor na si Derek Ramsay at may image ng tatlong "heart" sa dulo nito.

"It was a hard day for both of us, you had your personal issues & so did I... But you were there for me & I was grateful you gave me the chance to be there for you... I said it before, super cute na may coffee pa. And now we can add chocolate marble & French Fries to that list... THANK YOU because God must love me to give me someone like you to lean on & count on. Bahala na kayo sa interpretation but @ramsayderek11 deserves a shout out. THANK YOU! ??????"

Napaulat na ang aktres na si Cristine Reyes ang huling nakarelasyon ni Derek pero tumagal lang ito ng isang buwan noong 2013.

Samantala, ilang linggo na ring pinag-uusapan kung sino ang lalaking nagbibigay ngayon ng inspirasyon kay Kris.

Nauna nang umugong ang balitang isa pulitiko ang nagpapasaya sa puso ng TV host-actress, at nababanggit ang pangalan ni Quezon City Mayor Herbert Baustista.


Minsan na rin nasabi ni James Yap, dating asawa ni Kris, na ibinisto umano sa kaniya ng anak nilang si Bimby ang pangalan ng lalaki pero tumanggi rin siyang tukuyin kung sino ito.

Ang naturang post ni Kris ay umaani ng mahigit 11,000 likes at magkakaibang reaksiyon at komento.

May mga nagdududa na gumigimik lang si Kris dahil na rin sa isa niyang post sa Instagram account tungkol sa commercial na ginawa niya kung saan kasama niya si Derek.

@ivymaeprudencio @bornwdsoul I wasn't really sure it was a TVC, I just figured because coffee and french fries was mentioned. But yeah, I agree, us fans get confused sometimes too.

@bornwdsoul If it really is about endorsement then @ivymaeprudencio hats off to you and I mean it in a good way. But it kind of leaves a bad taste in mouth of @krisaquino214 (only if it is true). She (I hope) is better than getting into manipulating the fans (one of which is me) imagination.

Mayroon din naman natuwa kung si Derek nga ang bagong pag-ibig ni Kris.

@anneramosnava Basta masaya ang puso mo Ms. @Krisaquino214, buong pagkatao mo magiging masaya. Maraming magiging masaya along the way. Lahat magiging positive. God bless. I believe in love.

@jimsonian Bigay na natin kay miss @krisaquino214 ang love life niya...wag kayong makisawsaw pa...anh importante napsaya tayo niya sa tuwing lumalabas xa sa tv sa kung anong show pa yan...spread love in this lenten season guys....repent!

@natashiaig Nakaka-awa yung mga basher/hater ni Kris dito! Maka-comment/opinion WAGAS, as if buhay nila. Galit na galit eh nakiki-CHISMIS lang naman. Get a job para di kayo bored sa lives niyo ha! @fruitato_ @edithaismyname AFFECTED MUCH! HAHAHAHAHA

Pero mayroon ding nagpahayag nang 'di pagsang-ayon.

@jumeldeleon PLEASE NOOOOOOOOOO!!!!!! ????

@ronarezo @fatbitchfood mag anak man siya ng mag anak at kahit ibat ibang lalake pa, wala ka na dun. Hindi naman ikaw ang magpo provide.

@lolitlim grabeee lang ang tensyon!!! Parang china at pinas!!!!????????????. 

No comments:

Post a Comment