Friday, April 19, 2013

Showbiz News: Jaypee Santos Defends Ex-GF Janine Tugonon!



Janine Tugonon's ex-boyfriend Jaypee Santos defends beauty queen from bashers: “She just needs time.” Jaypee has appealed to the public to refrain from "taking sides" relating to their recent break-up as announced by the latter during a cooking segment on "Kris TV."

Muling nilinaw ni Miss Universe 2012 first runner-up Janine Tugonon na walang namamagitan sa kanila ng lead singer ng bandang The Script na si Danny O'Donoghue.



Ayon sa post ni Janine sa kanyang Twitter account (janine_tugonon) kahapon, Abril 17: “Stop jumping into conclusions.. Nothing's going on!!!”

Umani kasi ng iba’t ibang reaksiyon ang pag-amin ni Janine on national television na hiwalay na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Jaypee Santos.

Ito’y sinabi ni Janine nang mag-guest sila ni Jaypee sa morning talk show ni Kris Aquino sa ABS-CBN, ang Kris TV, noong Martes, Abril 16.

Inamin ng beauty queen na pinag-awayan nila ang patuloy na komunikasyon niya sa Irish singer na si Danny O'Donoghue.

At nagdesisyon siyang makipaghiwalay dahil, “Kasi nga ayaw ko naman na may iba akong iniisip.

“Parang sabi ko lang sa kanya, siguro I need sometime to think talaga.”

Hindi naman daw pinipilit ni Jaypee na magkabalikan silang muli ng dalaga, pero aminado siyang sinusuyo niya itong muli.

Samantala, ipinagtanggol naman ni Jaypee si Janine laban sa mga negatibong komento tungkol sa dating nobya.

Sa post ni Jaypee sa kanyang Twitter account (jaypeesantos7) noong Abril 16, araw kung kailan naganap ang pag-amin ni Janine tungkol sa kanilang breakup, nakiusap ito to “stop taking sides.”

Aniya, “please pray for us... stop na taking sides.. i just want this to be okay. thanks po sa inyong lahat :’(”

Kahapon naman, Abril 17, muling nilinaw ng binata na walang namamagitan kay Janine at sa Irish singer na si Danny.

“Nothing's going on between janine n danny. we're just having a rough time.the reason is Not because of other guy.wag po natin husgahan agad”

Dagdag pa niya, “She just needs time.. Time for herself not for another guy.”

Positibo naman ang mood ngayon ni Jaypee at nagpasalamat pa sa mga sumusuporta sa kanya at kay Janine.

No comments:

Post a Comment