Saturday, September 15, 2012

Showbiz News: The Mistress, Tumabo sa Takilya!



Another controversial Movie (after No Other Woman and Unofficially Yours) that hit the country by storm! The Mistress, now a certified blockbuster, grossing over 24 Million on its first day of release! Starring Bea Alonzo and John Lloyd Cruz, the movie simply testify that Great Love comes with HOPE!

Ang "The Mistress" ang itinuturing na anniversary gift ng dalawa para sa mga walang sawang sumusuporta sa kanilang tambalan sa loob ng 10 taon.


Magkahalong kaba at excitement naman ang naramdaman nina John Lloyd at Bea sa premiere night lalo na nang makita ang pagdagsa ng mga tagasuporta.

"Nakaka-nerbyos 'yung ano... 'yung mood... Nagpapasalamat, gaya nilang lahat, pareho naman kami ni Bea na hindi na makapaghintay na makita 'yung buong pelikula," ayon sa aktor.

"Maraming, maraming salamat po. Napaka-importante po ng gabing ito para sa amin. I can't wait to see the movie as well. Sana magustuhan ninyong lahat," sabi naman ni Bea.

Bukod sa fans, dumalo rin ang celebrity guests kagabi gaya nina Slater Young at Ai Ai Delas Alas.

Palabas na ang "The Mistress" na graded B ng Cinema Evaluation Board. Report from ABS-CBN News

No comments:

Post a Comment