Tuesday, April 3, 2012

Showbiz News: Slater Young is PBB Unlimited Big Winner!


Pagkatapos ng limang buwang pananatili sa loob ng bahay ni Kuya, a 23-year old charming and conservative hunk from a well-off and prominent family in Cebu, Slater Young, was declared as PBB Unlimited Big Winner! And with his victory, comes the promise of a glittering showbiz career. Is Slater ready to shine?

“I’m ready.” Ito ang pahayag ng Pinoy Big Brother Unlimited Big Winner na si Slater Young nang tanungin siya sa The Buzz noong April 1 kung handa na ba niyang pasukin ang showbiz matapos ang kanyang pagkapanalo. “I’d really love to try my hand at showbiz.” Paglilinaw pa niya, wala raw siyang deep, dark secrets na maaaring ibalik sa kanya sa pagpasok niya sa showbiz.

Nang tanungin siya kung ano ang edge niya na maaari niyang magamit dahil sa matinding kumpetisyon sa showbiz, ang sagot ng Cebuano, “I’d like to think I have something different to offer.Naipakita ko naman sa loob ng bahay kung ano ang kaya ko. I have the brains.”

Single din daw siya at ang last relationship niya ay nagtapos months before he entered the PBB house. Pagdating naman sa showbiz, ang kanyang mga crushes ay sina Anne Curtis, KC Concepcion at ang kababayang si Kim Chiu na gusto rin niyang maging leading ladies in the future.

Samantala, hindi pa rin makapaniwala si Slater sa kanyang pagkapanalo, kaya naman minsan ay nauubusan ng sasabihin ‘pag tinatanong siya ng mga host ng The Buzz kahapon. “Parang panaginip pa rin lahat, grabe.From last night until here with you. From ASAP kanina, parang ‘di ko in-expect ito. Everything new talaga,” nakangiti niyang pahayag.

Inamin din ni Slater na attracted siya sa fellow housemate niyang si Divine Smith na naging close friend niya sa loob ng bahay. “’Yung first crush ko talaga was Divine, she’s very pretty, si Tin (Patrimonio) din, ‘yungpersonality niya sobrang mabait.”

Gayunpaman, paglilinaw niya ay wala siyang balak ligawan si Divine na isang proud lesbian at may girlfriend. “[Ang] ganda kasi, eh. She has attitude, she’s hot. I see her as someone I can talk to. Parang hanggang dun na lang talaga. She told me if she would turn straight she would pick me.”

Pagdating naman sa boys, pinaka-close daw niya si Carlo Romero at kinumpirma na mayroon nga silang love-hate relationship ng fellow housemate na si Paco Evangelista na fourth placer. “He brings out the best and worst in me din,” ani Slater.

source: PUSH.com.ph

No comments:

Post a Comment