Saturday, April 28, 2012

Showbiz News: Marian Rivera, Buntis Daw?


Rumor has it that Marian Rivera is sperminated! This is because some people on Dingdong Dantes fb congratulated him and so people assumed that he is going to be a Daddy!

“Kapatid niya yung buntis, hindi ako!” Nagtitiling sagot ni Marian ng tanungin ito ng press tungkol sa issue. “Hindi, si Trina. Siya yung kapatid niya, hindi ako,” pagtukoy ng Kapuso Primetime Queen sa nakababatang kapatid ng boyfriend niyang si Dingdong Dantes na siya raw totoong nagdadalang-tao.

Pero kung sakaling siya nga ang nabuntis, ito ang masasabi ni Marian sa kung papaano nito ihahandle ang issue.

“Paano ko iha-handle? Siguro hindi naman kasi ako… Natuto na ako. Hindi ako papasok sa isang bagay na hindi ko kayang paninidigan. Kapag ginawa ko yun, kapag nangyari yun sa akin, ibu-broadcast ko ‘yan,” saad niya.

Ibig sabihin, gusto niya talagang magkaanak?

“Oo naman!” bulalas niya. “’Tsaka sino ba namang babae ang hindi gusto magkaanak, di ba? Gusto ko magkaanak. Balang-araw, ako ang dancing lola, why not? Di ba? So, okay lang ako sa ganung bagay.”

1 comment: