Monday, October 31, 2011

Showbiz News: John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao, Break Na!


Sa interview nina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao kay Tito Boy Abunda sa The Buzz kahapon, inamin nila na kasalukuyan nga silang hiwalay na at pinag-uusapan nila kung iwoworkout ba nila ang kanilang relasyon o tuluyan na lamang nila iyong i let go.

Ang dahilan ng kanilang hiwalayan?



Hindi si Ruffa Gutierrez! O sinumang ex ni JLC. Napabalita kasing nagkita daw sina John Lloyd at Ruffa sa isang event at nag-usap sila.

Eh ano naman ang dahilan? Personal issues daw mostly sa part ni John Lloyd. Kamakailan lamang ay may na blind item na itong si John Lloyd at Shaina ay pumunta sa isang party. Naglasing daw si Lloydie. Nang gabi na, nagyaya si Shaina na umuwi na at may show pa itong ASAP kinabukasan. Nawili sa paglalasing si John Lloyd, hindi pinansin ang pakiusap ng gf, kaya ang ginawa ni Shaina, iniwan ang lasing na kasintahan at naunang umuwi.

Personal issues ang dahilan. Lasenggo kasi si John Lloyd at nagiging issue iyon sa dalawa. Kung matatandaan, naging close itong sina Shaina at JLC dahil naging drinking buddies sila at naging sila. So sad naman at ang pagiging lasenggo ni JLC din ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

No comments:

Post a Comment