Sunday, August 28, 2011

Showbiz News: Maja Salvador, Inaagaw ang BF Ni Toni na si Direk Paul?



Naging emosyonal si Maja Salvador sa presscon kahapon ng indie film niyang Thelma.

Yup, umiyak ito dahil sa issue na mang-aagaw siya ng boyfriend nang may boyfriend, playgirl at tumador.

Ayon kay Maja, hindi siya malandi tulad nang sinasabi ng iba matapos lumabas ang issue na umano’y sinabi niya sa boyfriend niyang si Matteo Guidicelli na nagparamdam sa kanya ang director ng Thelma na si Direk Paul Soriano na alam naman ng lahat ay ‘pag-aari ang puso’ ni Toni Gonzaga. “Masyadong tinatapakan nung nagsabi (ng mga akusasyon) ang pagkatao ko. Tao lang din po ako na nasasaktan.

“Hindi naman ako ‘yun, eh. Hindi ako lasengga, hindi ako playgirl, hindi ako mang-aagaw ng boyfriend. So, hindi ako ‘yun,” emote niya habang tumutulo ang luha.

“ Pero basta ako po, nagtatrabaho ako nang mabuti. Hindi lang para sa akin, para sa pamilya ko, kundi para sa mga tao na nandiyan, sa mga fans na nagmamahal sa akin, ‘yung nagtitiwala sa talent ko po. Gusto ko kasing la­ging nagpapasaya ng tao. Hindi po ako susuko,” sabi niya.

At kahit may ganung intriga parang hindi naman affected si Direk.

In fact, puring-puri ang galing ni Maja sa pelikulang dinirek niya.

Showing ang Thelma sa September 17.

source: Kapamilyalogy.blogspot.com

No comments:

Post a Comment