Saturday, July 9, 2011

Blind Item: Young Politician Na Atat Na Atat Maging Presidente, Tinatarget Ligawan ang Isang Sikat na TV Host Actress!

Sikat ang young politician na ito dahil bukod sa matalino na ay napakacharming pa. But take note, ito obssessed na maging Presidente ng Pilipinas! Atat na atat nga raw ito kahit napakabata pa nito para sa nasabing posisyon. Ngunit gagawin daw ng lahat ni young politician para maging presidente ng ating bansa. Hindi natuloy ang kandidatura nito ng nakaraang taon ngunit tuloy na tuloy na daw iyon sa 2016. 


Hiwalay sa asawa ang young politician na ito. Ang sabi ay sumama daw sa ibang lalaki ang asawa nito ngunit ang totoo pala niyon, kaya daw iniwanan ito ng magandang asawa ay dahil babaero daw ito. Sinasabing may kinakalantari raw itong Brazilian. 

Dahil nga gagawin ni young politician ang lahat upang maging Presidente, aba eh ang tinatarget nitong ligawan ngayon ay isang sikat na TV Host actress na makakatulong sigurado nito sa pangangampanya dahil napaka effective nitong endorser. Parang kinikilig din si TV Host actress sa young politician na ito. Ang tanong, alam ba ni TV Host actress ang tunay na motibo nito?

Sino siya?

clue: Galit na galit si Korina rito dahil sa ginawa nito kay Mar kaya ito natalo sa pagka bise presidente!

No comments:

Post a Comment