Sunday, July 17, 2011

Blind Item: Award-Winning Actor, Nag-aattitude Na Raw Sa Shooting Nito!

Medyo matagal na ring gumagawa ng pelikula ang magaling na aktor na ito ngunit kamakailan lamang ito sumikat at nagkaroon ng teleserye. Usually ay mga indie film ang ginagawa nito at ilang awards na rin ang natanggap nito bilang katibayan na magaling itong umarte. Humble ang beginning ni young actor ngunit ngayon ay sinasabing lumalaki na raw ang ulo nito at nagkaka attitude problem! Marahil ay pagod lamang sa shooting si young actor dahil nga demanding naman din kasi ang role nito sa isang teleserye. Nakakapagod. O talagang lumalaki na ba ang ulo nito?

Sino siya????

1 comment: