Friday, January 28, 2011

Showbiz News: Piolo Pascual at Derek Ramsay, Hindi Lilipat ng TV Station!


Muli na namang umingay ang isyung lipatan ng mga Kapamilya sa Kapatid Network! Dalawa raw sa sikat na kapamilya hunk ang lilipat sa TV 5!

Lubhang napakatempting daw ng offers na maging kapatid ang iniooffer sa mga Kapamilya stars. Isang bilyong piso raw ang offer kay Piolo Pascual na lisanin ang Kapamilya Network at maging Kapatid  kaya naman daw e done deal na ito. Ganuon din daw kay Derek Ramsay. 

Napakaagresibo ng pamamahala ni Manny Pangilinan sa TV 5 at hindi ito takot na gumasta ng maraming pera para sa mabilis na paglago ng TV 5 network. Lubos kaming humahanga sa pamamahala niya. Kapag nagtagumpay ito, tiyak na sisikat ang istasyon. Kapag hindi naman, tiyak mababankrupt si Manny!

Sa gitna ng mga lipatan issues, mariin itong pinabulaanan ni Piolo mismo sa isang presscon noong December 8. Ayon sa aktor, "I'm very much a Kapamilya. I've been a Kapamilya all my life so it's unfair to talk about it."

Ngayong buwan ay muling lumitaw ang balitang paglipat ni Piolo. Sa isang text message na ipinadala ng publicist ng Star Magic na si Thess Gubi kahapon, January 27, sinabi nitong: "Re Piolo, it's not true. He's very much a Kapamilya."

Sa kasalukuyan ay regular na napapanood si Piolo sa primetime series na Noah at sa Sunday musical-variety show na ASAP Rocks. Nakatakda ring gumawa ng pelikula sa Star Cinema kapareha si Kim Chiu.

Ngayong linggo naman pumutok ang balitang lilipat na raw ng TV5 ang hunky actor na si Derek Ramsay.

Kasabay nito ang usap-usapan na si Derek daw ang napipisil ng GMA-7 na gawing leading man ni Marian Rivera sa upcoming epicserye nitong Amaya.

Pero sa text message mismo ni Derek sa isang blogsite ay pinabulaanan niya ang bali-balitang iiwan na niya ang ABS-CBN.

Ayon kay Derek, "There is no truth to that, I am under contract with ABS-CBN and I am very happy. And I am the type of person who fulfills his obligations before anything else."

Ayon din sa manager ni Derek na si Joji Dingcong. Pinabulaanan din ng talent manager ang kumakalat na balita tungkol sa kanyang alaga.

"Not true. Derek is co-hosting The Biggest Loser with Sharon C [Cuneta] in Ch 2. He is also set to star in a soap with Kris A [Aquino], Anne Curtis, and Diether [Ocampo]," saad ni Joji

No comments:

Post a Comment