Wednesday, January 5, 2011

Showbiz News: Dingdong, Nagpropose Kay Marian Last Christmas?


Natuloy ang plano ng magkasintahang Dingdong Dantes at Marian Rivera na makapagbakasyon ng ilang araw sa ibang bansa, kasama ang ilang miyembro ng pamilya ng aktor.

Naganap ito ilang araw pagkatapos ng Pasko at bago mag-Bagong Taon.




Since kinasal na sina Regine at Ogie na malapit na kaibigan ng magkasintahan, sila na nga ba ang susunod na ikakasal?

Ayon kay Dingdong:

"Okay naman yung naging Christmas vacation namin ni Marian. May pinuntahan kami na kasama rin namin ang ilang member ng family ko. Masaya. It was a much needed vacation," lahad niya. Pero bago nag-New Year ay bumalik na sila ni Marian at dito sa Pilipinas nila sinalubong ang 2011.

"Nag-New Year's eve kami sa bahay ng tito ko. Then, tumuloy kami sa bahay ko. Doon naman kami nag-celebrate. Kinabukasan, nagpunta kami sa bahay nila sa Cavite. Normal. Same din ng celebration last year."

Curious tuloy ang mga tao kung may "proposal" bang naganap sa naturang bakasyon nila.

"Gaya nga ng sabi ko, kung ano ang celebration years ago, walang pinagkaiba. Smooth lang. Walang mga ganoong kaganapan!" natatawa niyang sagot.

Ayaw namang i-reveal ni Dingdong kung ano ang naging Christmas gift niya kay Marian, bukod sa sinasabi niyang "life-changing gift."

Natawa siya dahil tila iba raw ang naging pakahulugan ng iba sa sinabi niyang "life-changing gift" niya.

"Well, tanungin n'yo siguro si Marian," sabi niya.

"Pero ang life-changing na ibinigay ko sa kanya, ito yung binigyan ko siya ng sponsorship ng isang bata sa Hydrocephalus Foundation. In return, she will change a life of a kid. Yun ang life-changing," paliwanag ni Dingdong.

Ang Hydrocephalus Foundation of the Philippines ay tumutulong sa mga pasyente at pamilya na apektado ng sakit na hydrocephalus.

Ano naman ang regalo sa kanya ni Marian noong Pasko?

"Yung gift niya sa akin, binigyan niya ako ng isang napakagandang relo na masasabi kong gustung-gusto ko," sagot ng aktor.

No comments:

Post a Comment