Wednesday, December 29, 2010

Celebrity Spotlight: Melai Cantiveros, The Next Comedy Queen?


Hindi maikakailang sikat na sa ngayon ang PBB alumni na si Melai Cantiveros. Sa loob ng maikling panahon, naipakita ng dalagang taga-gensan at girlfriend ni Jason Francisco na isa itong magaling na komedyante. Kaya naman ang tanong, ito na ba ang itatanghal na next Comedy Queen kapag nagretire na si Ai-ai?

Posible!


Hindi malayong mangyari ito sapagkat isa naman talagang talented na komedyante si Melai.


At ngayong isa ng ganap na celebrity ang komedyana, inihanda na rin nito ang sarili sa maraming mga pagbabago. Isa na dito ang tungkol sa fashion statement nito.


"Dati po mahilig ako sa loose, ngayon parang mahilig na ako sa fit. Dati mahilig ako mag-sando, ngayon mahilig na ako maglong-long ganun kasi para hindi na masyadong mainitan sa mga taping,"  paglalarawan ni Melai sa mga pagbabago.

Sinu- sino ang mga nagbibigay ng fashion advice sa kanya?

"Yung mga friends ko, minsan yung mga handler," sagot niya.

 Dagdag pa niya, "Minsan din si Jason [Francisco], [sasabihan niya ako] 'Wag kang magsuot ng ganito!,' magagalit siya. Kasi 'pag lumalabas ako, pagka minsan, [sasabihin niya], Hoy! magbihis ka nga."

Si Jason ang boyfriend ni Melai at ex-housemate sa Pinoy Big Brother Double-Up.

Masaya si Melai ang pagbabago na nagyari sa kanyang fashion style.

"Naninibago ako ngayon pero mas kumportable ako ngayon kasi nasusuot ko na yung gusto kong suotin.

"Kasi dati ang hirap kasi walang perang pambili. Pero hindi ko na pinapangarap ang over! over!" ani Melai.

Ngunit hanggang ngayon ay hindi masyadong gumagastos si Melai sa mga damit.

"Nagbibigay kasi yung mga fans, " paliwanag niya.

"Tapos ako din 'pag gusto ko, binibili ko kasi gusto ko 'yon eh parang gift ko na lang sa sarili ko, pero madalang lang ako bumibili," kuwento niya.

At kung bumili man siya, ano kaya ang mga binibili niya?

"Wala naman, pag may nakita lang ako. Hindi naman ako mahilig sa branded pero as long as nakita ko yung design tapos gusto ko.

"Hindi talaga ako mahilig sa branded," pagdidiin ng komedyante.

1 comment: