Monday, December 20, 2010

Beauty Queen: Venus, Nagpatayo ng Magandang Bahay sa Tabi ng Kanilang Bahay-Kubo


Pagkatapos manalong 4th Runner sa 2010 Miss Universe Pageant, sunod-sunod ang mga blessings na dumating sa buhay ni Beauty Queen Maria Venus Raj. At dahil dito, kaagad na nakaipon ang magandang dalaga kaya naman binili nito ang lupang katabi ng bahay-kubo nila at nagpatayo ng isang magandang bahay para sa pamilya nito.

Ayon kay Venus, "Isa ito sa matagal ko nang ipinagdarasal kay God. Na mabigyan ko ng magandang bahay ang aking ina at mga kapatid.
"Bata pa lang ako, yun na ang pangarap ko at ngayon natupad na. Kaya masayang-masaya ako kasi nga nakikita na namin ang matagal na naming gusto.

"Habang ginagawa nga ang bahay, araw-araw akong nagpapasalamat kay God sa pagtupad niya ng matagal ko nang hiling."

Ang magandang ginawa ni Venus ay hindi niya ipinagiba ang kanilang bahay kubo na nasa tabi ng binili niyang lote kunsaan tinatayo ang kanilang bagong bahay.

Gusto raw kasi ni Venus na maging reminder ang bahay kubo sa naging simpleng buhay nila noon sa Bato.

"Hindi ko talaga pinatanggal yung bahay kubo namin doon dahil gusto kong nakikita ko pa rin 'yon kapag umuuwi ako doon.

"Doon sa bahay-kubo na 'yon ako nagsimulang mangarap at buuin lahat ng mga pangarap ko sa buhay," pag-alala pa ni Venus.

"Tsaka siyempre, kapag may isa sa mga kapatid ko ang nakalimot sa dati naming buhay, nandiyan pa rin ang bahay kubo namin para ipaalala sa kanila na kung hindi dahil sa bahay kubo na 'yon ay hindi kami makakaranas na magsumikap at magkaroon ng magandang buhay.

"Every now and then, gusto kong balikan ang dati naming buhay. Hindi ko ikinakahiya 'yon.

"Kung ano ako ngayon, iyon ay dahil sa naging buhay namin noon. Kaya hindi dapat mawala ang bahay kubo dahil diyan lahat nabuo ang mga pangarap ko."

Kuwento pa ni Venus, nagiging tourist spot na ang bahay kubo nila sa Bato.

Tuwing may mga turista na dumarayo sa Bato, hinahanap nila ang bahay-kubo ni Venus at magpapa-picture sila doon.

"Nakakatuwa naman, di ba? Parang nakatulong ako kahit papa'no sa tourism ng Bato!" tawa ni Venus.

"Marami nang nakarating sa bahay kubo namin at nagpapa-picture sila doon.

"Hindi raw sila papayag na umalis sa Bato na hindi napupuntahan ang bahay kubo namin. Pero kapag tapos na ang bahay, puwede na rin silang magpa-picture doon."

4 comments:

  1. aba Venus dapat na gayahin ka .....
    expect more blessing to come!!!!!

    ReplyDelete
  2. atta girl! Venus sana marami pa ang katulad mo
    hindi nakakalimot sa pinanggalingan.
    ang bai-bait mo........
    pinagpapala yan....

    ReplyDelete
  3. hay! sana anak ko na lang si Venus.
    magaling magaling.

    ReplyDelete
  4. you are not just beautiful..may mbait ka pang kalooban...

    ReplyDelete