Maugong ngayon ang balitang nagkabalikan na nga ang real life couple na sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao. Kaya naitanong ng press kung malapit na bang magpakasal si Lloydy.
Pero ayon sa actor: “Akala ko hindi na maitatanong yun. Pero marriage, I’m not saying na malayo pa because I’m 28 years old now. Siguro mahirap sabihin. Naniniwala kasi ako na kapag nakasalubong mo, then you fall in love with each other, okay na,” said John Lloyd during his contract renewal for Jack ‘N Jill Magic Flakes last December 15.








