Thursday, December 29, 2011

Showbi News: Manila Kingpin: Asiong Salonga, Raked Major Awards in the 37th MMFF!


Humakot ng awards angManila Kingpin: The Asiong Salonga Story sa Gabi ng Parangal ng 37th Metro Manila Film Festival (MMFF) na ginanap sa Resorts World Manila Performing Arts Theater sa Pasay City kagabi, December 28.

Labing-isang tropeyo ang napanalunan ng Asiong Salonga.

Kabilang dito ang Best Picture, Best Screenplay para kina Roy Iglesias at Ray Venura, Gatpuno Villegas Cultural Award, Best Supporting Actor para kay John Regala, at Best Director.

Naging interesante ang pagwawagi ng Best Director ng Asiong Salonga dahil ipinatanggal ni Tikoy Aguiluz ang kanyang pangalan bilang direktor ng naturang pelikula.

Lumikha ng kontrobersiya ang biopic na ito dahil sa alitan sa pagitan ni Direk Tikoy at ng bida ng pelikulang si Governor Jeorge "ER" Ejercito at ng mga producer ng pelikula.

Ito ay nag-ugat sa pagre-reedit at pagre-reshoot ng mga eksena nang walang pahinutulot ni Direk Tikoy. Rason ni Governor ER, mabagal ang pacing ng unang bersiyon ng pelikula.

Dahil dito ay hiniling ni Direk Tikoy na ipatanggal ang kanyang pangalan sa credits ng pelikula, kasama na ang promotional materials nito.

Ayon kay Direk Tikoy, hindi na masasabing pelikula niya ang Asiong Salonga dahil sa mga pagbabagong ginawa rito nang hindi niya nalalaman at hindi niya pinahintulutan.

Noong una ay hindi pumayag si Governor ER kaya humingi ng Temporary Restraining Order (TRO) si Direk Tikoy mula sa Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL).

Pinagbigyan ng nasabing ahensiya ang kahilingan ng direktor kaya tinanggal ang kanyang pangalan sa pelikula.

Hindi dumalo ng awards night si Direk Tikoy.

Sa awards night ay "Gary dela Cruz" ang tinawag na pangalan bilang direktor ng Asiong Salonga.

Pero lahat ng mga nagwagi mula sa pelikulang ito ay panay ang pagbanggit at pasasalamat kay Direk Tikoy.

No comments:

Post a Comment