Sa gitna ng usap-usapang malamya ang career sa GMA at paglipatan ng ilang Kapuso Stars sa ABS-CBN, sinabi ni Marvin na wala itong balak na bumalik sa ABS kung saan unang lumago ang karera nito bilang isang magaling na artista.
Matatandaang lumipat sa GMA ang magkalove team na sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin at pareho ang kinahantungan ng career ng dalawa. Parang natambakan ng mga bagong pangalan ang dati sikat na magkapareha hanggang sa parang naging so so na lang ang mga shows nila.
