Marami ang bumatikos sa tweet ni Valerie Concepcion kung saan sinabi nitong "Done w/ work.. Tnx for having me.. :) It was nice to see Pres. P-Noy laughing at my jokes & enjoying my performance..ü #Malacañang #PSGNight".
Nagmukha tuloy inconsiderate si PNoy at nakuha pa nitong makipagsaya gayung maraming mga Pinoy ang namatay dulot ng pananalanta ng bagyong Sendong! Kung gaano kabilis umaksiyon si PNoy sa impeachment ni Chief Justice Renato Corona at sa pulitika, ang bagal naman nitong umaksiyon pagdating sa mga kalamidad!
