Friday, January 27, 2012

Showbiz News: Iggy Arroyo's Legal Wife, Fights for Her Right to Bury her Husband!


Looks like a scene taken out from teleseryes where the legal wife and the other woman fight to get the right to bury the husband. But this is real life. Wife, Alicia Arroyo and partner Grace Ibuna (Gabby Concepcion's ex) are both grieving over the death of Cong. Iggy Arroyo, the infamous brother of the then First Gentleman, Mike Arroyo. He died of cardiac arrest and liver malfunction as he seeks treatment in London.




Nagpainterbyu kaagad sa mga TV news program si Mrs. Alicia Rita Morales-Arroyo, ang legal wife ni Congressman Arroyo ng mabalitaan ang pagpanaw ng asawa. Nagpahayag ng matinding kalungkutan si Alicia.

"Nagdasal na lang ako. Dasal na lang ako nang dasal. Hindi ko kasi maisip, e. Inisip ko na lang yung anak ko," pahayag ni Alicia sa panayam niya sa media na ipinalabas sa 24 Oras kagabi.

Ayon pa sa kanya, apektadong-apektado sa nangyari ang kanilang 14-year-old daughter.

Taong March 26, 1994 nang ikinasal sina Iggy at Alicia. Magkapitbahay raw sila noon sa La Vista, isang exclusive subdivision sa Quezon City.

"Mabait siya, tahimik, when we were together," paglalarawan ni Alicia tungkol sa yumaong asawa.

Ayon pa sa ulat ni JP Soriano para sa 24 Oras, nag-file ng annulment kamakailan sina Iggy at Alica. Pero hindi natapos ang proseso nito.

Iginigiit ngayon ni Mrs. Arroyo na siya dapat ang magdedesisyon tungkol sa burol at libing ni Congressman Arroyo dahil siya ang legal wife.

Ang gusto raw kasi ni Iggy ay iburol ito sa bahay nila sa La Vista.

"Kung sakali sa bahay yung ano... Gusto niya parating... Private na tao siya, e. Yung nga, yung wake, sa bahay," sabi ni Alicia.

Plano rin ni Mrs. Arroyo at ng mga abugado nito na lumipad sa London para sunduin ang labi ng kanyang yumaong asawa.

May patama naman ang isa sa mga abugado ni Alicia, si Atty. Lorna Kapunan, sa aniya'y "pretenders" na nagke-claim diumano na sila ang legal wife ni Iggy.

Pahayag ni Atty. Kapunan, "We are concerned, as her lawyers, that there are certain pretenders who claim that they are the legal wife.

Si Grace ang karelasyon at kasama ni Iggy nang pumunta ang kongresista sa London para magpagamot.

Si Grace ang nag-alaga at nag-asikaso kay Iggy.

Sila rin ang magkasama nang malagutan ng hininga sa The London Clinic ang kontrobersiyal na kongresista.

Pinuntahan ni ABS-CBN Europe News Bureau Chief Danny Buenafe ang apartment nina Congressman Arroyo at Grace sa Kensington West London, pero tumanggi ang huli na humarap sa mga TV camera.

Mula sa London, ibinalita ni Danny sa Umagang Kay Ganda kanina, January 27, na nasa "state of shock" si Grace.

Nag-iiyak daw ito dahil hindi siya makapaniwala na sumakabilang-buhay na ang kanyang longtime companion.

Pero nagpaunlak si Grace na magsalita sa isang daily broadsheet ilang oras matapos bawian ng buhay si Congressman Arroyo.

Sinabi ni Grace na nakiusap siya kay Congressman Arroyo na lumaban ito para humaba pa ang buhay.

Ipinagdasal din daw niya na magkaroon ng milagro.

Nahihirapan si Grace na tanggapin ang pagkawala ng kongresista dahil hindi raw niya alam kung papaano siya mabubuhay nang wala ito.

Sa mga news report, "cardiac arrest" at "cirrhosis of the liver" ang sanhi ng kamatayan ni Congressman Arroyo.

1 comment: