Hot topic ngayon ang business deal na ginagawa diumano sa pagitan nina Manny Pangilinan, sa isang banda, at ang pamilya Jimenez, Duavit, at Gozon ng GMA-7, sa ibang banda. Mind-boggling daw ang offer ni MVP para makuha ang Kapuso network, kaya mahirap mahindian.
Ngunit sa ngayon, 2/3rds pa lang daw ang completion ng deal. Meron pa raw kasing pamilya na hindi kumbinsido, o dili kaya‘y nagho-hold out for a better deal. Pero sa lumulutang na figures, mukhang mahirap nang matapatan ang offer ni MVP.
Pero kaagad na itinanggi ng Presidente ng GMA 7 na si Felipe Gozon ang tsismis na ito. Hindi raw bibilhin ni MVP ang GMA 7 at wala kahit na negosasyon about sa isyung ito!
No comments:
Post a Comment