Friday, October 14, 2011
Showbiz News: Bea Alonzo, Umamin ng Six Months Na Sila ni Zanjoe Marudo!
Noong una'y ayaw pang sabihin ni Bea Alonzo kung ano na talaga ang estado ng relasyon nila ni Zanjoe Marudo.
Ngunit nang lapitan siya ng mga entertainment press, at nabasa sa cover ng isang glossy magazine ang quote mula kay Zanjoe na: "It's official—kami na," natawa na lang si Bea at walang nagawa kungdi aminin na: "Six months [na kami]."
Dagdag pa niya: "Magse-seven months na pala kasi it was on March 16 [ang araw kung kailan niya sinagot si Zanjoe].
Bea Alonzo narrates how she said 'yes' to Zanjoe Marudo: "Nagulat siya, akala niya hindi totoo! Actually hindi nga, e... wala ngang ano, e... hindi naman sa pinaplano. Hindi siya talagang ano... yung sinet-up gano'n. Nag-dinner lang kami, hindi siya 'yong tinanong niya ako, lumuhod siya... hindi gano'n, e. Hindi na niya ako tinanong, ako na lang [sumagot]: 'Okey na 'ko, ready na 'ko.'"
Matagal din inilihim sa publiko nina Bea at Zanjoe ang kanilang relasyon, bagamat madalas silang makitang magkasama at sweet sa isa't isa.
Kapansin-pansin na blooming si Bea, at ang rebelasyon niya na ito ang nagpaliwanag kung bakit.
Ngunit, nadagdagan pa daw ang sayang ito ngayong alam na ng publiko ang totoo.
"Mas magaan," mabilis na sagot ni Bea.
"Kasi nga, hindi mo na kailangang mag-explain sa mga tao, ngayon lang ako nag-e-explain."
Samantala, sa halos pitong buwan na nilang relasyon, sinabi ni Bea na hindi naman gaanong issue ang pagseselos.
Paliwanag niya, "Kasi kami, we don't talk about the past.
"In fairness naman sa kanya, hindi rin naman siya flirty.
"Siguro nga din kasi, nag-start nga ng walang pressure, so parang mayro'n line na we shouldn't cross, yung mga gano'n.
"Siguro kasi, mayro'n na ring maturity sa aming dalawa."
Sa darating na weekend ay nakatakdang umalis papuntang Seoul, Korea sina Bea at Zanjoe kasama ang dalawa pa nilang kaibigan.
Si Bea man ang nagplano, si Zanjoe na daw ang nag-ayos ng flights, tutuluyan, at iba pang pangangailangan para sa kanilang trip.
Labels:
bea alonzo,
zanjoe marudo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment