Friday, September 30, 2011

Showbiz News: Camille Pratts, Masakit Mamatayan ng Asawa!


Marami ang humahanga sa ipinapakitang katatagan ni Camille Prats sa gitna ng pagdadalamhati niya sa maagang pagkamatay ng kanyang asawa na si Anthony Linsangan.

Pumanaw si Anthony, sa edad na 31, noong Biyernes ng umaga, September 23, dahil sa nasopharyngeal cancer.

Dahil sa pagkawala ni Anthony ay naging biyuda si Camille sa edad lamang na 26.

Sa panayam sa kanya ng The Buzz na ipinalabas kahapon, September 25, isinalysay muli ni Camille ang mga kaganapan mula nang matuklasan nilang may cancer si Anthony hanggang sa mga huling sandali nito.

Ayon pa kay Camille, bukod sa dinanas na hirap sa treatment, labis din daw na ininda ni Anthony ang panghihina ng kanyang katawan. Dahilan para hindi na rin nito malaro ang kanilang three-year-old son na si Nathan.

"Alam ni Nathan that daddy's in pain. So, hindi mo puwedeng talunan. Hindi niya puwedeng anuhin.

"But there were a couple of accidents na sinampahan niya ang daddy niya.

"E, dahil sa bone yung metastasis, masakit talaga.

"So, maiiyak talaga si Anthony sa sobrang sakit and he got frustrated, kasi hindi na niya malaro si Nathan.

"Hirap na hirap na hirap na hirap na talaga siya.

"Noong minsan, hindi ko alam kung ipagdarasal ko ba na pahabain pa yung buhay niya pero ganito, or kunin na lang siya para hindi siya mahirapan.

"Hindi ko na alam kung alin doon ang hihilingin ko," pagsasalaysay ni Camille.

Pero sa kabila ng naging karamdaman ni Anthony, hindi raw naging dahilan yun para mabawasan ang ipinapakitang pagmamahal sa kanila ng kanyang anak.

Very supportive pa rin daw ito, lalo na sa kanyang acting career.

Sa parte naman ni Camille, pinilit din niyang magpakatatag para sa kanyang asawa.

No comments:

Post a Comment