CHAPTER 4
MALAKAS ang kabog ng kanyang dibdib habang tinatanaw ang Kastilang bahay mulan sa kanilang kinatatayuan. Subalit walang makikitang anong hint ng kaba sa kanyang payapang mukha. Siguro ay hindi naman talaga siya kinakabahan kundi super excited.
Ang unang bahay na tinutukoy sa Haiku ay nasa harapan lamang nila ni Brad. Iyon ang bahay ni Oboza. Katulad ng Tiongko residence ay nasa commercial area din iyon sa Davao City. Katunayan ay halos katabi na nito ang 24-hr store ng Jollibee at ilang mga resto bars.
Malapit ng mag-alas tres ng madaling araw. At kailangang magawa na nila ang pakay nila sa bahay na iyon. Gamit ang binocular ay sinipat niya ang bubungan ng bahay. At sa tuktok ng bubong ay may nakita siyang patulis na bagay. A small metallic pyramid na nagsisilbing apex ng bahay.
“Ready?”
Nilingon niya si Brad at isang tango ang kanyang naging tugon. May mga earphones na nakakabit sa tenga nila at iyon ang magiging means of communication nila sa gabing ito. Siya ang aakyat sa bubong ng bahay at ito ang magbabantay sa paligid. Nasa loob sila ng kotse habang minamanmanan ang bahay na pakay ng gabing iyon.
Hindi mahirap ang kanyang misyon. Dahil ang kailangan lang niyang gawin ay ang umakyat sa bubungan ng bahay at kunin ang bakal na pyramid. Kailangan lang niyang maging maingat na walang makakita sa kanya upang hindi mabulabog ang mga tao sa paligid. May mga bahay din kasing katabi ang Oboza House bukod sa commercial establishments.
Ang gusto sana ni Brad ay ito ang aakyat sa bahay at maghihintay na lamang siya sa kotse. Subalit hindi siya pumayag. Sa huli ay ang gusto niya ang nasunod.
Ini-on nito ang makina ng sasakyan at pinausad ng marahan. Siya ay hinamig ang sarili at inihanda sa gagawin. Bahagya ng nakabukas ang pintuan ng kotse. Hindi kataasan ang sementadong gate na nakapalibot sa bahay at may mga punong nakatanim sa paligid niyon.
Nang tumapat ang kotse malapit sa pader ay mabilis ang kanyang naging pagkilos. Binuksan niya ang pintuan ng kotse at tinarget ang isa sa sanga ng puno kung saan aangkla ang lubid na gagamitin niya. Maya-maya pa ay nakalambitin na siya at nasa taas na ng puno.
Mula sa direksiyon ay kitang-kita ni Alex ang bakal na pyramid sa pinakatuktok ng bubong ng bahay. Mistula lang iyong normal na bahagi ng bubong na ngsisilbing palamuti. At hindi iyon pansinin lalo pa at makikita lamang kapag nasa mataas na lugar.
“Nasaan ka na?”
Inayos niya ang pagkakakabit ng earphone sa kanyang tenga. “Malapit ko nang makuha ang pyramid. Give me 2 minutes.” Pagkatapos ay tumalon na siya sa bubungan ng bahay at pagapang na umakyat sa pinakatuktok. Akma niyang huhugutin ang pyramid subalit nakakabit iyon sa bakal na bahagi ng bubong. Infact ay nakawelding pa iyon to become a permanent part of the roof.
Kinuha niya sa dalang bagpack ang may kaliitan subalit napakatalim na lagari. Para iyon sa bakal at kahit anong bakal ay kaya niyong putulin. Maingat na inumpisahan niyang lagariin ang hugpungan ng base ng pyramid at bakal na bahagi ng bubong.
“It’s already more than two minutes Alexandra. And you are not yet done. Are you sure you can manage?”
She released a begruntled groan. “Stop pestering my concentration Brad!” She hissed. “The pyramid was soldered and I need time to remove it. Stop barking. It’s not helping me at all. Sasabihin ko kaagad sa iyo kapag natanggal ko na ang pyramid, okay?”
Isang malalim na buntong-hininga ang narinig niya. Ipinagpatuloy niya ang ginagawa. Maliit lang ang pyramid. It was just 5 inches in height. At dama niya sa kanyang mga palad ang makinis na bakal. Rustproof iyon. Dahil sa mahabang taong nasa bubungan ito at inuulan ay hindi pa rin kinakalawang. Nakahinga siya ng maluwag ng matapos ang ginagawa. Ngayon ay hawak na niya ang pyramid sa kanyang mga kamay.
“I’m done Brad. At pababa na ako.” Mabilis na isinilid niya sa bagpack ang pyramid. Tapos ay pagapang na lumapit sa bahagi ng bubungan kung saan nakayungyong ang isang sanga ng puno. Maya-maya pa ay nasa puno na siya at hinihintay ang pagdaan ng kotse ni Brad.
Mabilis na lumundag siya pababa ng puno ng tumapat ang sasakyan at kaagad na pumasok sa loob ng kotse. Maya-maya pa ay tumatakbo na ng mabilis ang kotseng minamaneho ni Brad sa tahimik na kalye ng siyudad. It just happened for a few seconds. At walang nakapansin sa kanila. Isa pa ay halos wala ng tao sa paligid.
“Nakuha mo?” Nilingon ni Brad ang babaeng ngayon ay kampante ng nakaupo sa passenger’s seat ng kotse nito.
She gave him a satisfied smile. Walang ingay na nakuha niya ang pyramid at tagumpay ang misyon nila. Subalit simula pa lamang ito ng adventure nila.
“Sisiw.”
“Huh…” Brad moaned. “And where’s the danger in this Alexandra? This is not giving me thrill at all. Sa susunod ay ako naman ang kikilos.”
“Back up ka lang Brad.” Matigas na turan niya. “This is my adventure. And since gusto mo makisali, fine. But I’ll always be in the front line.”
“Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ikaw ang masusunod woman.” He glanced at her with grimaced face. “This should be a partnership. And it should have my involvement. Anyway, marami pa naman ang susunod na gagawin.”
Isang kibit ng balikat ang tugon niya.
waaahh..nabitin n nmn ako..im looking 4ward for dis p nmn
ReplyDelete