Tuesday, February 1, 2011

Tagalog Novel: The Woman I Love By Sharon Rose



continuation....

SHE WAS almost holding her breathing in her throat while watching Brad’s next movement.
Lumapit ito sa isang sulok ng silid at may pinindot. Bumukas ang isang parte ng pader at lumabas ang itim na bagay na parang vault. Pagkatapos ay ipinasok nito ang pendulum sa loob. He looked at her.
“Watch lady, and fulfill our agreement.” Isinara nito ang vault subalit transparent ang harapan niyon at kitang-kita pa rin ang pendulum na laman nito.

“Ano iyan?” Curiusity ate her heart. Ngayon ay nagsisimula na siyang kabahan. Sino at ano ang tunay na pagkatao ng lalaking ito?
“Laser.” Maagap na sagot ng lalaki. “A tool used to cut and shape Diamonds, the hardest mineral on Earth.”
She gasped in surprise. At mukhang matatalo yata siya sa kasunduan nila ng lalaki. She nodded her head in disbelief. Now he surely succeeded to surprise her every minute. Siya naman ngayon ang gustong malaman kung ano ang tunay na pagkatao nito. He is not an ordinary person. Sigurado siya doon.
He pressed a black button and the vault made a hush sound. And her eyes gaped in bewilderment as she saw streaks of red light. At ang kasunod na nakita niya ay ang paghiwa ng pulang liwanag sa pendulum. Ngayon ay nakabukas na iyon. Matiim na tiningnan niya ang laman ng pendulum. Nagkasalubong ang mga kilay ng makitang nakalukot na papel ang laman niyon.
Pinatay ni Brad ang makina at binuksan ang vault. Ito man ay nagkakasalubong ang mga kilay sa pagtataka. Isang lukot na papel lamang ang laman ng pendulum. Kinuha nito ang papel at binuklat. Mas lalong nadagdagan ang guhit sa noo nito sa nakita.
“Ano ang nakasulat sa papel?” Gustong-gusto na niyang tumayo at agawin ang papel sa lalaki. Frustated na nagmura siya ng hindi pa rin makawala sa pagkakatali.
Nilingon ni Brad ang dalaga. The pained look in her eyes and the fact that she was been in that position for long hours made him sigh. Kanina pa nito gustong pakawalan ang babae sa ganuong ayos. Ngunit hindi puwede. Alam nito ang kakayahan ng babae at anumang oras ay makakatakas ito.
He took strides towards her and stopped in front of her face. Pagkatapos ay ipinakita sa kanya ang nakaladlad ng papel. Puro mga drawings ang nakikita niya. Old Spanish buildings, an obelisk, a mausoleum, a cemetery and a mountain. Nakaguhit ang mga iyon sa lumang-lumang papel at ang ginamit na ink ay halatang sinauna. May nabasa siyang mga sulat. Isang Haiku! At nakasulat iyon sa lengguwaheng Japanese!
“Alam mo ba kung ano ang mga ito?” He saw the quizzical look on her face at muling tinapunan ng pansin ang nakaguhit sa papel.
“Of course!” Sarcastic na sagot niya. “Drawings and Haiku!”
“Excellent!” Sarcastic na ganti ni Brad. “Ang tinutukoy ko ay kung ano ang ibig sabihin ng mga ito?!”
“Basahin mo ang nakasulat.” She said stiffly. Binasa niya ng madalian ang Japanese texts at puro palaisipan ang mga iyon.
“I have no knowledge about Nihonggo lady,” inis na turan ng lalaki. But of course, I can always get an interpreter.
Lumipad ang paningin niya mula sa papel patungo sa mukha ng lalaki. “Don’t ever do that. Ang sabi sa hulihang bahagi ng tula ay huwag ipagsabi sa iba ang nakasulat sa papel na iyan. Panganib ang dulot niyon.”
“Marunong kang magbasa ng Nihonggo?”
Isang pauyam na ngiti ang iginanti niya.
Lumuhod ang lalaki at hinawakan sa magkabilang balikat si Alex. His grip firm and determined. “You now entangle me into this mystery Alexandra. And believe me, hindi kita pakakawalan hanggat hindi mo sinasabi sa akin ang tungkol sa bagay na ito.”
Nakipagsukatan siya ng titig sa lalaki. Pagkuwan ay ngumiti ng mapakla. “Sa tingin mo ba ay sasabihin ko sa iyo?”
“Kung magtitiwala ka sa akin ay gagawin mo.”
“Paano kita pagkakatiwalaan gayung hindi ko alam ang tunay na pagkatao mo? And besides, ngayon pa lamang ay nagkakainteres ka na sa bagay na iyan. Ano pa kaya kung malalaman mo ang misteryong nakabalot dito?”
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Brad. “Is this another Yamashita’s treasure hunting?” Pagkuwan ay napailing ito. “Wala na ang kayamanang iyon Alexandra. Matagal ng nakamkam ni Marcos. At wala akong interes sa kayamanan kung iyon ang sadya mo. I want thrill and danger. Matagal na akong nababagot at tahimik ang buhay ko dito sa Davao.”
“Huwag mo akong utuin. Hindi ako bobo.” Madiing turan niya.
“Okay,” He raised his hand in the air. “Hindi kita mapipilit na magsalita.” Tumayo ito and stretched his body. “This paper should be burnt.”
“Wala kang karapatang gawin iyan!” Kaagad na tutol niya sa narinig. “That was my grandfather’s.”
He shot her a disbelieving stare. “At ano ang pruweba mo? Huwag mong kalimutan na ang lolo ko ang nagmamay-ari sa antigong grandfather’s clock. Therefore ako ang may karapatan sa bagay na ito.”
“No. Lolo ko ang original na may-ari niyan. He used this house during the Japanese occupation. Sa kasagsagan ng giyera ay hindi na niya nadala ang orasan. Naiwan sa bahay na ito. Isa iyang pamana para sa akin.”
“You should convince me harder sweetie.” Brad shrugged his broad shoulders. But she might be right. Halata sa hitsura ng babae ang pagkakaroon ng dugong Hapon. Her eyes show it all.
“Tingnan mo ang signature na naka affix jan sa sulat. Gen. Hiroshito Tadaiku. That’s my grandpa’s name.”
Muling tiningnan ng lalaki ang papel. And confirmed it.
“That belong’s to me. That was my inheritance.”
“But still, you stole this inside my house. And that made you liable for trespassing inside my property.”
She groaned in dismay. Nauubos na ang pasensiya niya para sa lalaki. “Please give that to me. You could not sue me at all. Don’t forget that I’m an FBI agent and that nobody can get a hold of me except my organization. Masasayang lang ang panahon mo. Besides, panganib ang dulot ng papel na iyan. My father was killed in his first attempt to trace the history of my grandfather. Alright, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Kayamanan ang katumbas ng papel na iyan. My family’s heirloom. Hindi man iyon kasinglaki ng kayamanan ni Yamashita but still malaking halaga pa rin iyon. At higit sa lahat, that will lead me into my grandfather’s war diary. Iyon ang pinakamahalaga sa akin.”
Mariin siyang tinitigan ng lalaki. “Panganib ang dulot ng papel na ito? Oh well, I like this now. Wala akong intensiyon sa kayamanan but I like the danger this will bring me. Puwede kitang tulungan sa paghahanap ng nawawalang kayamanan ninyo.”
“Thanks but no thanks!” Pagigil na wika niya. “Kaya kong lumakad mag-isa. Hindi ko kailangan ng tulong mo.”
“Paano kung hindi kita pakakawalan?” Nananantiyang tanong nito. “Ano ang gusto mo? Ang maiwan dito at ako ang maghahanap ng kayamanang sinasabi mo o ang isama ako sa lakad mo?”
“Huh!” Her mouth twisted. “Sinasabi mong wala kang intensiyon sa kayaman subalit iba ang ipinahihiwatig mo. Possessing that paper is not enough to find the treasure. Marami pang mga bagay na hindi nakasulat diyan at ako lamang ang nakakaalam. Hindi mo ilalagay sa panganib ang sarili mo kung wala kang pansariling interes.”
“Alright,” muli nitong tinitigan ang papel. “Tama ka. I have my own interest kaya gusto kong tulungan ka. I’m a historian. And I’m making a book about the historical landmarks in this city. At ang mga istrukturang nakaguhit sa papel na ito ay ang mga subject ko sa ginagawa kong research. I can part a significant fact in history na hindi pa naisulat ng iba. Iyon ang magiging kapalit.”
Her unbelieving eyes hovered around his figure. Wala sa hitsura nito ang pagiging historian. He knew how to operate her laptop, hacked her files and he has that laser machine. “Siguradong gawa-gawa mo lang ang bagay na iyan. Hindi ka isang historian lamang.”
“I become a historian since I retire from work two years ago. By the way, I’m Bradford Tiongko Hampton.” He took the initiative to introduce himself. “I was born in this city. My American father brought me in the States when my Mom died twenty years ago. I’m an ex S.E.A.L now a historian.”
Nahigit niya ang hininga sa sinabi nito. Ex S.E.A.L? Kaagad na nakuha nito ang paghanga niya. Piling-pili lamang ang nakakapasa sa elite na grupong iyon ng US Military Force. At lahat ay mahuhusay.
“Ipapakita ko sa iyo ang draft ng librong ginagawa ko para maniwala ka.”
She dropped her gaze on the floor. Hindi siya makapaniwala sa natuklasan.
“I can be a big help to you Alexandra. Alam ko ang lahat ng istrukturang nakadrawing sa papel na ito. Hindi ka mahihirapan sa paghahanap. And I won’t be a burden. Kaya kong pangalagaan ang sarili ko pati na rin ikaw.”
Tama ito. Oo nga at ipinanganak siya sa Davao City subalit hindi pa niya nagagalugad ang lahat ng sulok ng malaking siyudad. Davao City is the largest city in the world. At ang mga lumang istrukturang nakaguhit sa papel ay matatagpuan sa iba’t-ibang panig ng siyudad. Isa pa ay halos sa Amerika na siya tumagal.
Ipinadala siya ng ina sa Amerika pagkatapos niyang mag-aral ng high school. Para raw iyon sa seguridad niya. Hindi niya gustong mahiwalay sa nag-iisang miyembro ng pamilya niya subalit wala siyang nagawa. Sa Amerika na siya nag-aral ng kolehiyo. Nagtapos siya ng kursong abogasya sa Harvard University. Nang kumuha siya ng Bar Exam ay kasali siya sa top ten. Sunod-sunod na kaso ang naipanalo niya. Mabilis na sumikat ang pangalan niya bilang isang magaling na abogada.
Three years ago, a striking man in his fifties entered her office in Manhattan. Akala niya ay isa ito sa magiging kliyente niya. Subalit nabigla siya ng sabihin nito ang sadya. He was recruiting her to be an FBI agent. At isa itong mataas na opisyal ng FBI.
Hindi niya kaagad tinanggap ang alok nito. Pinag-isipan niyang mabuti ang bagay na iyon. Umuwi siya sa Pilipinas upang magbakasyon at makapag-isip na rin. Isa pa ay namimiss na niya ang ina. Halos ay sampung taon na rin siyang hindi nakauwi ng Pilipinas. Subalit sa halip na matuwa at umuwi siya ay nagalit ang Mommy niya. Hindi niya maintindihan kung bakit. Ang paulit-ulit na sinasabi nito ay manganganib ang buhay niya kapag tumagal siya sa lungsod. Kaagad na pinababalik siya ng ina sa Amerika.
She could not stand her mother’s paranoia. Kinumpronta niya ito. Ang sabi sa kanya ng ina ay ayaw nitong matulad siya sa kanyang ama. Na pinatay ng mga hindi nakikilalang tao. Marami pa siyang mga tanong subalit hindi na nag-elaborate ang ina niya.
Nang bumalik siya sa Amerika ay tiyak na ang kanyang pasya. Tinanggap niya ang alok na maging FBI agent. Iniwan niya ang kanyang trabaho bilang abogado. Binigyan siya ng ibang pangalan. Athena ang code name niya. Simbolo ng karunungan. She undergone a rigid military training. Tumagal iyon ng halos isang taon. At pagkatapos ng training niya ay kaagad na isinabak siya sa isang misyon. Which she did with flying colors.
At upang maitago ang tunay na identity niya ay nagtrabaho siyang part time sales marketing associate. Wala siyang fixed na anyo. Dahil sa bawat misyong ginampaman niya ay iba’t-iba ang disguise niya.
Ngayon lang siya hindi gumamit ng disguise. Dahil walang kinalaman sa trabaho niya ang lakad na ito. And it was a failure.
“Ano sa tingin mo Alexandra?”
She sighed. “You are determined to engage yourself into danger. I could not say no. And besides, tama ka. Malaki ang maitutulong mo sa akin. Siguraduhin mo lang na hindi mo ako tatraidurin at hindi ka talaga interesado sa kayamanan. Or to make it fair, you can get your share in the treasure. Hindi naman iyon ang importante sa akin. Mas mahalaga sa akin ang diary ng lolo ko.”
“A historical fact is enough for me honey,” he grinned widely. Malapad ang banana plantation ko sa outskirt ng siyudad at hindi ako gahaman sa pera.”
Nakahinga siya ng maluwag sa narinig.
“Siguro naman ngayon ay puwede mo na akong pakawalan?”
Tinitigan ni Brad si Alex. Alam nitong kanina pa nahihirapan ang babae sa posisyon subalit nag-eenjoy ito sa nakikita. Kapag pinakawalan nito ang babae ay magsusuot na ito ng damit at matatakpan na ang kagandahang nakikita niya sa ngayon. He sighed silently. Pagkatapos ay lumabas ng silid. Nang bumalik ito ay may dala ng roba at kutsilyo.
He used the knife upang kalasin ang lubid na nakatali sa mga kamay at paa ni Alexandra. At habang ginagawa iyon ay nanduon ang malaking panghihinayang sa dibdib.
Nakahinga siya ng maluwag ng makalaya ang sarili sa pagkakatali. Mabilis siyang tumayo at padarag na kinuha ang nakasukbit na roba sa balikat ng lalaki. Mabilis na isinuot niya iyon upang maitago ang kanyang halos ay hubad ng katawan sa mga mata nito.
“Nasaan ang mga damit ko?”
“Nasa loob ng Master’s Bedroom. Sumunod ka sa akin.”
 ITUTULOY...........

No comments:

Post a Comment