"Kung hindi ma TRO to, hindi ako titigilan ng mga yan!" Ito ang naging pahayag ni Willie Revillame tungkol sa P127-million copyright infringement case na isinampa ng dos sa programa niya sa tv 5 ang Willing-Willie.
"Di ko maintindihan kung bakit galit na galit sa akin ang ABS-CBN," saad ni Willie. "Sila naman ang nagtanggal ng programa na Wowowee. Sila naman ang nagsabi sa akin na hindi na ako tanggap ng tao. Nag-file sila ng case sa Quezon City, na-junk yung TRO. Yung mataas na korte na, sa Court of Appeals, na-junk yung TRO. Kaya sa Makati, hindi ko maintindihan kung bakit lahat na lang yata ng korte sa Pilipinas, e, kakasuhan nila ako. Hindi ko maintindihan kung bakit."
Pahayag pa ni Willie, hindi niya raw nais makipaglabanan sa ABS-CBN.
"Hindi naman 'to paligsahan, hindi naman 'to away ng mga tao, e. Yung the word 'Kapamilya,' dapat naintindihan nila yung ginagawa ko naman, e, para sa pamilya rin naman, e. Saka ang importante dito, hindi ako nakikipaglaban. E, sino ba ako para sa ABS, di ba? Sino ba yung katulad ko na gusto lang magpasaya, gusto lang magbigay ng tulong. E, napakahigante ng ABS para labanan ko 'yan. Hindi ako nakikipaglaban sa inyo, Mr. Lopez," ang sabi ni Willie na parang kinakausap si Gabby Lopez, ang Chairman and CEO ng ABS-CBN."
Nakikiusap si Willie na sana ay tigilan na siya ng dos at masaya na raw ito sa bakuran ng TV 5.
Nagsisisi na kaya ang ABS-CBN kung bakit tinanggal si Willie sa Wowoweee at tuluyang inabolish ang show?
IM SURE TALAGANG NAG SISISI ANG ABS CBN AMININ MAN NILA O HINDI..KALA KASI NILA HINDI NA MAG CLICK SI KUYA WEL SA MGA TAO..
ReplyDeleteKAYA NGAYON GINAGAWA NILA LAHAT MATANGGAL LNG SI KUYA WELLIE ..GRABEH AS IN MAJOR2 KAKAINIS KAYO